• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis promises to share details on her wedding after Holy Week

Anne Curtis promises to share details on her wedding after Holy Week

The actress says her wedding will definitely happen this year.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/13/2017 1:35 AM
Anne Curtis promises to share details on her wedding after Holy Week


031317-AnneCurtis_PUSH.jpgWala pang ibinigay na detalye si Anne Curtis sa entertainment press tungkol sa konkretong detalye ng kasal nila ng kasintahang si Erwan Heussaff. Kahit anong pilit ng press na pigain siya na mag-share ng konting information ay nanatili muna siyang tahimik.

“Sasabihin ko rin naman yon,” matipid niyang pahayag.

Ayon pa kay Anne, hindi pa raw talaga sila nakakapagplano at magsisimula pa lang silang ayusin ang mga detalye ngayong darating na Holy Week. “Actually, we’re gonna start planning come the Easter holidays so that’s the time that we’ll start planning,” pahayag pa niya.

When asked kung magiging part ba ng entourage ang lahat ng mga kasamahan niyang hosts sa “It’s Showtime,” aniya ay hindi raw lahat pero meron daw of course.

“’Yung iba, oo. Pero siyempre, hindi naman lahat,” reaksyon niya. Sumingit naman agad si Vice Gand at sinabing, “Saka hindi rin naman po lahat, a-attend. Ako, ayokong pumunta,” pabiro niyang pahayag.

“We’ll start planning soon, but it will happen this year,” paniniguro ni Anne. Samantala, aminado naman ang lahat ng hosts na malaking bagay ang Tawag Ng Tanghalan segment sa show para muli itong umakyat nang husto sa ratings.