Ian Veneracion says his wife is a fan of “TonDeng”

Ian Veneracion and Bea Alonzo thank those who support their TV series “A Love To Last.”

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/11/2017 2:08 PM
Ian Veneracion says his wife is a fan of “TonDeng”


031117-IanVeneracion_PUSH.jpgHindi inaasahan nila Bea Alonzo at Ian Veneracion ang mainit na pagsubaysay sa kanila gabi-gabi ng mga manunuod sa “A Love To Last.”

Hindi man romantically involved ang dalawa sa tunay na buhay, labis ang tuwa nila nang nakapanayam sila ng press sa set visit ng isa sa mainit nilang eksena.

"Maganda kasi nagbibigay kami ng iba ibang emotion sa mga viewers – may saya, may inis may kilig, so ayun lang naman talaga ang inaasahan namin," panimula ni Bea.

"Siguro malaking factor ang story, magaling ang writers namin, yung directors namin, so mga intstrumento lang kami or mga tiny tool sa kabuuan ng A love to Last," dagdag pa ng aktres.

Pinuri naman ni Ian ang buong team ng kanilang palabas, na buong puso ang pagbibgay ng kanilang husay upang makapag bigay ng magandang storya sa mga manunuod gabi-gabi.

"Collective effort talaga from everyone and we really appreciate na everyone from the team is they trust us mga actors and they allow us to interpret the scenes, I think that’s where the magic happens. It's not just one person’s idea, it's a lot of interpretation," saad pa ni Ian.

Happy din si Ian and Bea dahil trending sila lagi sa social media at sadyang na tap nila ang mga puso ng mga millennial fans.

"Siguro we have Julia Baretto, JK Labajo and Ronnie Alonte in the story to bring in the millennial audience and we also thank them dahil nakikilala din kami ng younger generation and also Enchong Dee and other actors din na nagdadala ng bagong market sa amin," sabi pa ni Bea.

Para naman kay Ian masaya siya dahil napapakilig niya ang number one critique niya, na isa na din sa mga fan ng TV series.

"Kinikilig ang wife ko. Gusto ko nga sana sabihin sa kanya, 'Dapat nag seselos ka hindi ka dapat kinikilig,” natatawang kwento ni Ian. “Pinupuri nga ni Bea, sabi niya sobrang cool ng wife ko."

Sa magagandang kuwento naman daw ng kaibigan, nakikibalita ang rumored boyfriend ni Bea na si Gerald Anderson, na sa sobrang busy ngayon at aminado na hindi nakakapanuod ng show niya.

"Hindi siya nakaka panood , pero may nakaka kuwentuhan siya. Sobrang busy niya ngayon mayroon siyang show, marathon, may upcoming movie, minsan napapanood niya ako at natutuwa naman siya," sabi ni Bea.