Farmer Noven Belleza is first Tawag ng Tanghalan Champ

The Negros Occidental native took home 2 million pesos, a house and lot, negosyo package and a recording contract.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/11/2017 5:42 PM
Farmer Noven Belleza is first Tawag ng Tanghalan Champ


031117-NovenBelleza_PUSH.jpg

Matapos ang higit sa isang taong kompetisyon, itinanghal na champion ng Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime si Noven Belleza, tubong Negros Occidental at isang magsasaka. 

Mahigpit niyang mga naging katunggali sina Sam Mangubat ng Batangas at Froilan Canlas ng Camarines Sur na itinanghal na second at third placers respectively.  

With a total of 99.96% of the votes from texters at mga hurado, inuwi ni Noven ang P2 million pesos, isang bagong bahay, negosyo, asian trip at musical instrument package, at recording contract mula sa Star Music, pati na rin ang isang trophy na likha ng artist na si Toym Imao.  

Anim sa simula ang grand finalists, kasama nina Noven, Sam at Froilan sina Pauline Agupitan ng Batangas, Carl Malone Monticido ng Bacolod at Marielle Montellano ng Cebu. After ng text voting sa unang round ay natira ang 3 lalaki para magtungali sa huling round. 

Inawit ni Noven ang kanyang forte na mga awitin ng Air Supply samantalang kumanta naman si Sam ng Bruno Mars medley at si Froilan ay Kuh Ledesma medley. 

Unang ipinalabas ang Tawag ng Tanghalan noong 1953 at tumagal ito hanggang 1972. Naulit muli ang contest nung 1987 at natapos nung 1988. 

Isusunod naman sa It's Showtime ang Tawag ng Tanghalan Kids ngayong summer.