• Home
  • Fresh Scoops
  • Bea Alonzo on Ian Veneracion: ‘Ang ganda-ganda ng mata niya’

Bea Alonzo on Ian Veneracion: ‘Ang ganda-ganda ng mata niya’

Bea Alonzo and Ian Veneracion talk about their first kiss as Andeng and Anton.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/11/2017 9:45 AM
Bea Alonzo on Ian Veneracion: ‘Ang ganda-ganda ng mata niya’


031117-BeaIan_PUSH.jpgSa TV Patrol, maraming kinilig sa first kiss ng tambalang Ton-Deng nina Ian Veneracion at Bea Alonzo sa seryeng A Love to Last.

Kwento ni Ian at Bea, ilang beses kinunan ang eksena at kinabahan diuamno sila.

Ani Ian, “kinakabahan kaya ako dun. Ang tagal na naming magkasama pero yun nga it’s our first scene na ganyan.” Si Bea naman, “nakakakaba siya kasi inaabangan siya ng mga tao. Of course, you don't want to disappoint your audience. You want it to be perfect.”

Maging sila daw ay nadadala rin sa chemistry nina Anton at Andeng. Ayon kay Ian, “pag tiningnan mo yung mata niya, yung ilong niya, yung lips niya parang kahit siguro sinong lalaki, pag tinitignan mo siya, parang mawawala ka na. Alam mo yung mawawala ka na, tapos nakakalimutan mo na nakikita ka pala niya.”

Si Bea naman, “siyempre parang nagme-melt ka pag tinititigan ka ng isang Ian Veneracion. Ang ganda-ganda ng mata niya.”

Mahigit isang buwan ng number one sa IWanTV ang A Love to Last.