• Home
  • Fresh Scoops
  • Singers reveal their bets for ‘Tawag ng Tanghalan’ final showdown

Singers reveal their bets for ‘Tawag ng Tanghalan’ final showdown

Singers Jason Dy and Dessa offer advice for ‘Tawag ng Tanghalan’ finalists.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/10/2017 9:38 AM
Singers reveal their bets for ‘Tawag ng Tanghalan’ final showdown


031017-JasonDy_PUSH.jpgNgayong Sabado, March 11, na magaganap ang grand showdown ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime.

Apat na ang nag-advance sa Sabado na sina Noven Belleza, Froilan Canlas , Carl Malone Montecido, at Sam Mangubat.

Inaabangan din ng mga kilalang celebrities na nakatutok na rin sa singing contest gaya ni Jason Dy na champion sa The Voice of the Philippines na nagsabi na mahalaga ang pagpili ng kakantahin sa grand showdown.

“Make or break ang song choice talaga. Tumatatak kasi talaga ang song na pinili mo sa audience at sa judges. Tapos kung ako yung nanunuod sa bahay at gusto ko yung song, mapapaboto na ako.”

Ang biritera at Star Music artist na si Dessa, hayagang sinabi ang mga tatayaan niya na magaling dahil sa estilo nito sa pagkanta.

“Ang bet ko si Froilan at si Eumee kasi kapag kumanta sila may puso,” sabi pa ni Dessa.

Nagbigay din ng advice sina Jason at Dessa sa limang maghaharap-harap sa Sabado.

“Hindi natin talaga alam kung ano ang nakasulat sa kapalaran natin. Basta do your best lang talaga,” pahayag ni Jason.

Para naman kay Dessa, “Kapag kumanta sila hindi nila kailangan bumirit or humataw. Importante sa akin na kapag kumakanta isinasapuso.”

Sa social media, kanya-kanyang mensahe din ng pagsuporta ang mga personalidad sa kanilang mga napiling finalist.

Malalaman ngayong Biyernes ang huli at ikalimang papasok sa grand showdown. Sa March 11, Sabado, ang grand showdown na mapapanuod ng live sa Newport Performing arts Theater.