• Home
  • Fresh Scoops
  • Sam Pinto thankful for feedback on her ‘Ang Probinsyano’ guest appearance

Sam Pinto thankful for feedback on her ‘Ang Probinsyano’ guest appearance

Sam Pinto says she doesn’t mind the negative comments from fans.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/10/2017 9:53 AM
Sam Pinto thankful for feedback on her ‘Ang Probinsyano’ guest appearance


031017-SamPinto.jpgMainit na pinag-usapan kamakailan ang naging guest appearance ni Sam Pinto sa FPJ’s Ang Probinsyano kung saan sinubok niyang akitin ang karakter ni Coco Martin na si Cardo Dalisay.

Sa panayam natin na ito sa dalaga sa Centennial Celebration ng probinsya ng Abra, labis ang galak ni Sam na naging parte siya ng Ang Probinsyano dahil pangarap lamang niya noon ang makasama ang kanyang showbiz crush na si Coco.

"Before pag may mga nagtatanong sa akin sino ang showbiz crush ko I always say na si Coco Martin talaga dahil sobrang husay niya umarte, like he is one of actors I really look up to. And working with him… he's really hands on in every scene, he's super nice and super helpful talaga," ani pa ni Sam.

Ayon din kay Sam, maraming mga fans nila Yassi Pressman at Bela Padila ang nag-react sa kanyang pang aakit sa karakter ni Coco.

"Siyempre ang dami nagalit sakin lalo na yung mga fans ng Coco-Yassi and yung mga fans ni Coco and Bela everyone hated me and I love it... because I guess I'm super effective as kontrabida, I'm really happy that everyone appreciates what I am doing."

Kuwento pa ni Sam, deadma lang siya sa mga hate comments.

"No... love na love ko talaga yung may mga napipikon sa akin kasi talagang they really appreciate the character and I'm doing well in my work," pagtatapos na kuwento ng dalaga.