• Home
  • Fresh Scoops
  • McCoy De Leon on Elisse Joson: ‘Inspirasyon lang namin ang isa’t isa’

McCoy De Leon on Elisse Joson: ‘Inspirasyon lang namin ang isa’t isa’

Nikko Natividad thinks McCoy De Leon on Elisse Joson are already a couple.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/10/2017 9:37 AM
McCoy De Leon on Elisse Joson: ‘Inspirasyon lang namin ang isa’t isa’


031017-McCoyNikko_PUSH.jpgSa Tonight with Boy Abunda, sinabi ni McCoy De Leon at Nikko Natividad kung ano ang natutunan nila sa loob ng bahay ni Kuya.

Ayon kay McCoy, nalaman niya ang importansiya ng pamilya. “Pwede talaga yung pamilya mong kunan ng lakas sa loob. Kasi sobrang namiss ko talaga ang pamilya ko sa loob at di ako nasanay na di ko sila nakakasama.”

Ganun din si Nikko. “Nalaman ko kung gaano ko kamahal ang pamilya ko kasi habang tumatagal lumulungkot ako e. Pero ang laking bagay yung magtulungan kayo, ganun po yung napatunayan ko.”

Ayon pa kay Nikko, hindi sa kanya problema ang pagiging batang ama. “Yung pagiging mabuti kong ama nasa puso ko talaga, natural po talaga.”

Sinabi rin ni McCoy na nali-link kay Elisse Joson, na agree siya sa sinabi ni Elisse na masyado pang maaga para gamitin sa kanila ang salitang “mahal.” Ani McCoy, “Inspirasyon lang namin ang isa’t isa.”

Ngunit nang tanungin si Nikko, sa tingin daw niya ay si Elisse na at McCoy dahil sa “kilos” nila.