• Home
  • Fresh Scoops
  • Theater actor-commercial director Raymond Francisco denies ‘romance’ with Ronwaldo Martin in ‘Bhoy I

Theater actor-commercial director Raymond Francisco denies ‘romance’ with Ronwaldo Martin in ‘Bhoy I

Theater actor-commercial director Raymond Francisco takes the lead role for the first time in a movie.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/2/2017 7:52 AM
Theater actor-commercial director Raymond Francisco denies ‘romance’ with Ronwaldo Martin in ‘Bhoy I


030217-RFrancisco_PUSH.jpgSeasoned theater actor and television commercial director Raymond Francisco (formerly R.S. Francisco) embarks on a new journey in his colorful career as an artist as a first-time lead actor in Bhoy Intsik na finalist sa Sinag Maynila 2017 na siya rin mismo ang nag-produce under his Frontrow Entertainment.

“Itong Bhoy Intsik yung first title role ko kaya medyo kinakabahan ako,” pag-amin niya sa Push.com.ph.

“Actually, ayoko talagang gawin ito. Sabi ko, ‘Direk (Joel Lamangan), support lang ako, di ko kayang mag-lead.’ Sabi niya, ‘Kaya mo, nung binasa ko yung script, ikaw talaga ang inisip ko.’

Takot si Raymond dahil, “It’s my first, eh. Kasi even nu’ng first movie ko sa Sibak, natakot din ako do’n, eh. Kasi I don’t do films, I was doing theater lang, so it’s my first. Every time first, meron akong ‘teka, wait, kaya ko ba to?’ Kasi, when I do something I want to do it well.”

Sa Bhoy Intsik ay role ng isang sangganong beki o astig na bading na nakatira sa sementeryo ang gagampanan ni Raymond. Ibinihagi din niya na masuwerte siya dahil lahat ng gay role na ginagawa niya ay uplifting sa mga beki.

“Kasi before, siguro nu’ng ‘70s, ‘80s ang role ng mga bading mga binabatukan lang, ginugulpi, mga ganun. Now, ako I’m proud to say na even up to now, lahat ng mga gay role na nagawa ko, empower, very empowering yan sa mga bading.

“That’s why, ako I take pride sa ginagawa kong roles. Kasi, hindi naman sa I refuse, pero I’ve never done a role na bading ako tapos alam mo yon – tinutukso, ginugulpi, na parang binababa ang tingin sa bading,” pagmamalaki pa niya.

Dagdag pa ni Raymond about his role, “Hindi siya pa-girl na mahinhin. Maton siyang bading na nakikipagsabayan, eh. In fact, baka nga mas lalaki pa siyang makipag-usap sa ibang lalaki, eh.”

Kasama ni Raymond sa pelikula si Ronwaldo Martin. Pero kaagad niyang nilinaw na wala silang romance o love scene ng indie actor sa movie.

“We’re not [a] love team here. He’s like my son. Ang relationship namin dito hindi dyowa kaya maganda, walang laswaan dito.

“Ang naging relationship namin ni Ronwaldo, tatay niya ako, anak ko siya. Ang dyowa niya girl, wala akong dyowa. Hindi siya yung tipo na hinada, naging magdyowa, binigyan ng pera, walang ganu’n. This is really totally different,” kuwento pa niya.

Samantala, unang nakilala si Raymond bilang R.S. Francisco sa teatro nang magbida siya sa M. Butterfly stage play na nasundan pa ng marami. Naging support din siya sa mga pelikulang A Love Story bilang best friend ni Maricel Soriano, She’s The One as best friend of Bea Alonzo, Markova, Past Tense, Sibak at marami pang iba.

Watch out for the screening of Bhoy Intsik from March 9 to 14 in SM Megamall, SM North Edsa, Gateway and Glorietta 4 Cinemas.