Ney Dimaculangan is back with a new album and new band

Former 6CycleMind vocalist Ney Dimaculangan returns to the music scene.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/2/2017 7:51 AM
Ney Dimaculangan is back with a new album and new band


030217-Ney_PUSH.jpgNag-launch muli ng kanyang studio album ang dating band vocalist ng 6Cyclemind na si Ney Dimaculangan. Mas exciting at mas kapanabik-nabik din dahil may bagong band na siya kasama sina Kervi, Patch, Louie, and Arnee.

Sa tulong ng Alpha Records, naisakatuparan muli ang pagbabalik banda ni Ney na may 10 tracks sa bagong album.

Sa panayam natin na ito sa naganap na album launch ng "Napapanahon", naibahagi ni Ney ang mga pagbabagong nangyari sa kanya.

"Feeling ko kasi walang permanent sa buhay. Everything changes. Pero the good thing about this is positive ang naging changes na kinakaharap ko," panimula nito.

Kuwento pa ni Ney, hindi na din bago ang kanyang mga kasamahan sa mundo ng banda. Aniya, karamihan sa kanila ay mga tumutugtog na din mula sa iba't ibang OPM band noon.

"Karamihan sa amin matagal nang magkakaibigan, from different bands. Ang liit lang naman ng music industry. Yung iba sesionista ko dati, yung iba lately lang namin nakasama and siguro the difference nito, para kaming magkakapatid na aside from music, isang pamilya na kami," saad pa ni Ney.

Pagmamalaki din ng banda, siguradong relate din ang mga ‘90s baby sa kanilang musika.

"Parang bumalik sa roots ng rock band, ‘90s influence namin, natural na lumabas yun e, ayun ang tunog ng album na yun."

Nagbago man ang mga kasamahan ni Ney, nanatili padin daw ang mabuting samahan sa mga dati niyang kabanda na 6Cyclemind.

"Yes always naman okay naman kami," pagtatapos na pahayag nito.