• Home
  • Fresh Scoops
  • Mark Bautista clarifies issues linking him to CNN news anchor Anderson Cooper

Mark Bautista clarifies issues linking him to CNN news anchor Anderson Cooper

Mark Bautista also talks about renewing his management contract.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/1/2017 9:37 AM
Mark Bautista clarifies issues linking him to CNN news anchor Anderson Cooper


030117-MarkBautista_PUSH.jpgSinagot ni Mark Bautista ang tanong namin tungkol sa naglalabasang photos nilang dalawa ni CNN news anchor Anderson Cooper na magkasama sa social media. Alam daw niya na sa simula pa lang ay bibigyan ito ng malisya ng ilang netizens na makakakita ng kanyang post.

Ayon sa gaganap na Ferdinand Marcos sa musical na Here Lies Love na ipalalabas sa Bagley Wright Mainstage Theater sa Seattle, USA simula April 9, 2017, hinanda na niya ang sarili sa isyu.

“Ni-ready ko ang sarili ko do’n kasi alam kong… alam ko naman. Wala na akong pakialam, eh. I mean, kung wala naman kayong ginagawang masama, di ba,” paliwanag ng singer-actor.

Patuloy ni Mark, “I’m so thankful sa course ko sa New York Film Academy kasi ‘yon ‘yung naging tulay para ma-meet ko ang isang napaka-prominenteng tao. Pinapanood ko siya dati and iniidolo ko siya. Sobrang naging gracious siya, ang bait niyang tao talaga.”

Balak din daw niyang imbitahan ang CNN news anchor na manood ng Here Lies Love.

“Kung may time siya I will invite him. Sana may time nga kaso napa-busy no’n, eh,” sey pa ni Mark.

Samantala, tinanong na rin namin si Mark if totoong balak na niyang huwag mag-renew ng kontrata sa Viva Artists Agency ngayong nag-end na nitong February ang contract niya.

“Nag-iisip ako, kasi siyempre hindi mo maiwasan na, ‘Magbago kaya ako ng bahay (management)? Pero iniisip ko, kanino o sino naman? I mean, meron, pero panibagong ano na naman – parang back to zero.

“And yung priorities, siyempre marami silang priorities at panibagong pakikisama rin. And hopefully, maging okey,” balita niya sa amin.

Pero hindi ba siya nanghihinayang sa mga breaks na binigay sa kanya ng Viva?

“Actually, yon din ang tinitingnan ko. Nasa Viva ako for almost 15 years. I mean, nag-iisip ako na, ‘Ano ba yan, I think, magre-renew ba ako or something?’

“Tapos tinitingnan ko rin, ang laki rin ng nagawa sa akin ng Viva. I wouldn’t be where I am now kung hindi dahil sa kanila,” pagtatapos ni Mark.