• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Volleyball heartthrob Johnvic de Guzman reacts to ‘next Richard Gomez’ tag

EXCLUSIVE: Volleyball heartthrob Johnvic de Guzman reacts to ‘next Richard Gomez’ tag

Volleyball heartthrob Johnvic de Guzman says he is open to showbiz opportunities.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/2/2017 7:54 AM
EXCLUSIVE: Volleyball heartthrob Johnvic de Guzman reacts to ‘next Richard Gomez’ tag


030217-Jonvic_PUSH.jpgAng volleyball heartthrob na si Johnvic de Guzman ang maituturing na male counterpart ng women’s volleyball superstars na sina Alyssa Valdez, Mika Reyes, and Gretchen Ho. Naging very inspiring sa mga kabataan ang kanyang humble beginnings na ipinalabas kamakailan lang sa TV Patrol.

Lumikha din ng kasaysayan si Johnvic sa kanyang school. Naipanalo niya ang The Blazers team ng College of St. Benilde sa kauna-unahang pagkaktaon sa katatapos lang na 2017 NCAA. Si Johnvic ang tumayong team captain at tinanghal na Most Valuable Player (MVP) at Best Opposite Spiker.

Base sa mga naglalabasang comments sa social media mula sa netizens, Johnvic has the makings of the next Richard Gomez na nagsimula rin bilang volleyball player bago pinasok ang pag-aartista.

Ano ba ang reaksyon niya tungkol dito?

“Unang-una po ay masaya ako dahil isa si Kuya Goma sa mga naging idol ko nung bata ako,” pahayag niya sa Push.com.ph

“Masaya din po ako na dati nakakalaro ko lang mag-volleyball si Kuya Goma tapos ngayon nagkaroon ako ng pagkakataon mapabilang sa Seklusyon ni Erik Matti at maging artista. Sobrang blessed ako sa mga sinasabi ng mga supporters ko and it’s an honor na si Kuya Goma yung sinasabi nilang magiging ako someday,” pagpapatuloy ng matangkad na volleyball player.

Ang award-winning MMFF movie na Seklusyon ang naging first acting job ng binata sa pelikula at aminado siyang marami pa siyang kailangang matutunan sa pag-arte.

“First movie ko pa lang yon, tapos wala pang masyadong dialogue. Yung iba nga po, medyo nabitin daw sila, pero sabi nila okey na rin daw naman as a first-timer actor. I know, in the future, marami pa akong matututunan,” he said.

Hindi pa rin daw nagsi-sink-in sa kanya na artista na siya kahit mas lalo siyang naging sikat sa kanyang school dahil sa Seklusyon.

“Gunun pa rin naman. Kung ano ako dati, same lang kung ano yung ginagawa ko ngayon after nung movie,” sambit niya.

Mas dumami ba ang kanyang admirers ngayon?

“Dumami po talaga. Nagkaroon ng mga followers, bagong friends, dumami sila. Actually, may nagtayo pa nga ng fans club after nilang mapanood yung movie tapos kahit sa mga games ko sa volleyball sinusuportahan na rin nila ako.

“Tapos yung mga friends ko sa volleyball mas nadagdagan pa kasi hindi lang sa volleyball ko na-entertain yung mga tao kundi sa pag-arte din,” masaya niyang kuwento.

Ibinahagi rin ni Johnvic na he’s really looking forward sa mga opportunities na magbubukas sa kanya sa showbiz. Willing din daw siyang mag-audition sa mga teleserye.

“Kung may opportunities sa showbiz, go ako,” sey pa niya.

Samantala, panibagong achievement para kay Johnvic ang makapaglaro sa Philippine team para sa SEA Games 2017 sa Malaysia on August. Siya rin ngayon ang tinaguriang “icon ng Philippines men’s volleyball.”

Graduating ng Bachelor of Science in business Administration major in Human Resource si Johnvic this year sa CSB.