• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Carlitos Siguion Reyna reveals rejecting ‘Hihintayin Kita sa Langit’ remake

Director Carlitos Siguion Reyna reveals rejecting ‘Hihintayin Kita sa Langit’ remake

Director Carlitos Siguion Reyna admits he can no longer replicate what he did in ‘Hihintayin Kita sa Langit’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/1/2017 9:33 AM
Director Carlitos Siguion Reyna reveals rejecting ‘Hihintayin Kita sa Langit’ remake


030117-CarlitosSiguion_PUSH.jpgLatest project ng ABS-CBN Film Restoration ang Hihintayin Kita sa Langit na obra ni Direk Carlitos Siguion Reyna, sinulat ni Raquel Villavicencio at produced ng Reyna Films ni Armida Siguion Reyna na ipinalabas noong June 30, 1991.

Ngayon 26 years later, nagkaroon ng premiere showing ng digitally remastered version ng pelikula na ipapalabas sa mga sinehan sa Glorietta at Trinoma cinemas.

Present si Direk Carlitos sa premiere kung saan inamin niya na nagkaroon ng offer sa kanya na gawan ng remake ang pelikula na pinagbidahan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

"Years ago, nagkaroon ako ng meeting and it was offered to me na gawan ng bagong version o remake ang Hihintayin. I declined ang sabi ko hindi ko na ulit magagawa yan."

Hindi na nagbigay detalye pa ang director kung sino ang bida sakaling natuloy ang remake ng pelikula. Pero malinaw pa sa kanyang kuwento ang husay at chemistry na ipinamalas ng CharDawn tandem sa kanyang set.

"Nakita namin sila Richard at Dawn sa isang commercial noon and nakita namin na pwedeng magbida sila sa pelikula na that time ay binubuo pa lang namin and true enough sila nga ang nagbigay buhay dito."

Una pa lang ang Hihintayin Kita sa Langit sa mga pelikula ng Reyna Films na magkakaroon ng restored version. Isusunod pa ang ibang classic movies na muli mapapanood ng younger generation.