• Home
  • Fresh Scoops
  • Ysabel Ortega happy that President Duterte was a guest at her 18th birthday party

Ysabel Ortega happy that President Duterte was a guest at her 18th birthday party

Despite the absence of her father Lito Lapid, Ysabel Ortega says her mom made her birthday feel complete.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/10/2017 7:24 AM
Ysabel Ortega happy that President Duterte was a guest at her 18th birthday party


021017-YsabelOrtega-PUSH.jpgDream come true kung maituturing ng Star Magic at kapamilya artist na si Ysabel Ortega ang pagdiriwang ng kanyang 18th Birthday.

Ito ay dahil sa pagdalo ng kanyang malalapit na kaibigan, kamag-anak at ang Pangulo ng Pilipinas na si President Rodrigo Roa Duterte. Naging malapit na kaibigan ng kanyang ina na si Michelle Ortega ang presidente nang sumubok ito noon sa pulitika at naging kapartido ng Pangulo.

"Overwhelming po ang experience especially andito po si Mr. President and grateful for everyone na talagang nagbigay oras po para sa debut ko," panimula ng dalaga.

Lubos din ang tuwa at ang galak ng debutante dahil talagang unforgettable experience umano ang pagdating ng Pangulong Duterte dahil sa busy at hectic na schedule nito.

"The fact na nagpunta po si Mr. President ay napakalaking bagay na po nun. I know he's busy pero nag-give time pa din po siya for my birthday. Talagang unforgettable po talaga," ani pa ng celebrator.

Kahit 18 siya at maituturing at nasa legal age, ani ng dalaga na wala pa din magbabago sa pag-gabay at pag-aalaga ng kanyang ina sa kanya.

"Siguro same pa din po ang guidance ng mommy ko sa akin, kasi super close po kami so talagang ginagabayan po talaga niya ako."

Naibahagi din ni Ysabel ang kanyang birthday wish.

"Birthday wish ko po, yun sana po yung career ko po, I will still be able to do what I love and of course, good health," sabi pa ni Ysabel.

Sa panayam din na ito, naibahagi ni Ysabel na masaya pa din umano siya kahit na hindi nakarating ang kanyang ama na si Lito Lapid sa kanyang pagdiriwang.

"Kasi po yung mommy ko po, yung love na ibinibigay po niya sa akin parang it’s more than enough to make me feel I'm in a complete family. So of course po I will be happy and I am more than contented right now," masayang pagbabahagi ni Ysabel.