• Home
  • Fresh Scoops
  • Teacher Annie reveals her favorites in Your ‘Face Sounds Familiar Kids’

Teacher Annie reveals her favorites in Your ‘Face Sounds Familiar Kids’

Teacher Annie admits she thought she was going to have a hard time teaching the YFSF kids.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

2/10/2017 7:21 AM
Teacher Annie reveals her favorites in Your ‘Face Sounds Familiar Kids’


021017-YFSF-PUSH.jpgSa umiinit na pasiklaban ng mga kids sa Your Face Sounds Familiar, masayang naibahagi ng vocal coach nito na si teacher Annie ang kanyang pagkabilib sa weekly performances ng mga kids.

Aminado si Teacher Annie na hindi niya akalain na magiging madali lang para sa kanya ang pag coach sa walong cute na mga bagets.

"I thought mahihirapan ako kasi hindi ko pa alam ang capacity ng mga bata, but miraculously and surprisingly I can say na madali silang turuan. Nakakatuwa kasi they come to the rehearsals ng prepared, lahat sila gustong-gusto nila na gumanda ang performance nila so they really give their best."

Kuwento pa ni Teacher Annie, Hindi niya inasahan na mahuhusay ang mga bata na talagang hindi natatakot na matuto sa kanyang mga tinuturo bilang kanilang coach.

Pinuri din ni teacher Annie ang mga bata lalong lalo na si Xia Vigor na talagang nag papamalas ng kahusayan sa bawat performance nito.

"I was very surprised with Xia Vigor, originally I don't know kung anong capacity niya as a singer but at first nga pa cute lang siya sabi ko nga ay ito siguro pa cute cute lang yan, but I didn't realize na ibinibigay niya yung todo niya, minsan sinasabi pa niya na 'teacher Annie ulitin po natin kung kailangan pa', so yung attention span talaga ng bata napaka-husay."

Bukod kay Xia, bilib din ang Your Face Sounds Familiar vocal coach kina Awra at AC na laging may pasabog sa bawat performances.

"Talagang sinusubukan nila ang mga binibigay ko sa kanya para sa boses nila, as well as Awra and AC na nakakagulat pag nag-perform na sila. Very willing din sila in changes na kailangan para sa performances nila."

Paglilinaw pa ni teacher Annie, hanggang ngayon ay wala pa din siyang nakikita na maaring maging champion sa finale nito dahil nakadepende pa din ang lahat sa performance ng mga bata every week.

Sa ngayon wala pa talaga ako na kikita na anyone from the kids na masasabi ko na siya na mananalo," pagtatatapos ni Teacher Annie.