Richard Yap plans on launching his second album

Richard Yap’s second album is a collaboration with Richard Poon.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/10/2017 7:21 AM
Richard Yap plans on launching his second album


021017-RichardYap-PUSH.jpgMuling sumabak sa recording scene si Richard Yap pagkatapos ng kanyang solo album few years ago. Kasama niya sa isang collaboration album titled Richard X Richard ang crooner na si Richard Poon.

As a singer, inusisa ng Push.com.ph si Richard kung ano ang unang kanta na natutunan niya noon at kung sinu-sino ang kanyang musical influences.

Sey ni Richard, “Ang parati kong pinapakinggan dati ay yung ‘Bohemian Rhapsody’ ng Queen. Meron kaming turntable dati, tapos may single yon, eh, so parati kong pinapa-play yon.

“Pagdating naman sa musical influences, hindi Queen. More on… I always listen to Carpenters, Kenny Rogers, Barry Manilow, yung mga ganu’n, more on the mellow side, saka yung mga Lou Rawls.”

Yap started his career in showbiz as an actor sa My Binondo Girl. Pero kahit naging singer daw siya, hindi naman nadagdagan ang kanyang income sa showbiz.

“In terms of kita, hindi siya masyadong nakadagdag. It just adds on to your marketability as a person, as an actor. Kasi pag may promo, mall shows, you can sing.

“Pero kung sasabihin mo na nakakadagdag… mahirap kasing kumita ngayon sa recording industry because mahirap magbenta ng CDs.

“Siguro kung nagsu-show ka palagi like Richard Poon. Like if you’re doing it regularly at yon ang main source of income ko, pero if you’re just like doing it to sell CDs medyo mas mahirap kumita,” katwiran ng singer-actor.

Naikuwento rin ni Richard na nasubukan na niyang umarte sa stage play noon pero ayaw na raw niya itong balikan ngayon.

“I tried doing a play when I was in high school. Nag-play ako na binibenta talaga yung tickets and then there were two of us who were doing the lead roles. But I think it takes too much time and discipline to be a theater actor.

“Kasi there’s no take one, take two. Pag nando’n ka na on stage ang hirap, eh. I feel that I have too much on my plate already that I cannot transition to something like that anymore.

“I think, okey na ako kung nasaan ako ngayon because aside from acting and singing I also have to take of the business that I do, so tama na siguro yon,” sambit pa niya.

Thankful naman si Richard na pumayag makipag-collaborate sa kanya si Poon.

“Malaki ang pasasalamat ko kay Richard because he taught me a lot while we’re doing the concert (last year) at pumayag siyang mag-collaborate kami sa isang album kahit na hindi talaga ako singer,” he said.

Samantala, laman ng Richard x Richard ang 10 love songs -- limang inawit ni Poon—“Love Boat,” “Can’t Smile Without You,” “Grow Old With You,” “The Last Time” at “Goodbye” at lima rin ni Yap—“You’ll Never Find Another Love Like Me,” “Nothing’s Gonna Change My Love for You,” “You Can’t Hurry Love,” “Don’t Know What to Do, Don’t Know What to Say” at “Promise Ain’t Enough.”

Ang album ay prinodyus ni Rox Santos ng Star Music at ng Cornerstone Music Inc.