• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador says she is not picky about her show’s time slot

Maja Salvador says she is not picky about her show’s time slot

Maja Salvador remains grateful for still being active in showbiz even after 15 years.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/9/2017 12:27 PM
Maja Salvador says she is not picky about her show’s time slot


020917-MajaSalvador_PUSH.jpgFeeling blessed ang kapamilya actress na si Maja Salvador para sa magandang takbo ng kanyang karera ngayong unang bahagi ng 2017.

Bukod kasi sa Valentine's Day movie na pinagsasamahan nila ni Paulo Avelino na I’m Drunk I Love You, abala din ngayon si Maja sa patuloy na pagbuo ng kanyang pagbibidahan at upcoming teleserye na Wildflower.

Dahil dito buong puso ang pasasalamat ng aktres para sa magandang pagkakataon na ito na ibinibigay sa kanya ngayon.

"Laging thankful, great full blessed kasi it's been 15 years na ako sa indrustriya sa ABS-CBN and hindi pa din nila ako pinababayaan. Pag may magandang project kasali pa din ako palagi or binibigay nila sa akin so sobrang salamat," panimula ng aktres.

Aminado si Maja na challenging ang kanyang role bilang si Ivy dahil sa kakaibang karakter nito na punong-puno ng puot at galit.

"Sabi ko nga e ganun pala yun kahit na hindi ka umiiyak at humahagul once na yung character mo ay in pain or may anger, pagod pa din. Kasi kinikimkim mo lang ang emotion mo pero siyempre exciting at challenging ang role ko bilang Ivy," saad pa ni Maja.

Positibo din daw ang kapamilya actress para sa magandang outcome ng kanyang bagong proyekto.

"Hindi kasi ako ma negative na tao e, parang more on na positive lang talaga ako na laging nag thank you sa Diyos na magiging maganda ang resulta nitong proyekto namin dahil walang tapon na artista kaya laging positive lang."

Bukod dito, hindi din daw issue ngayon kay Maja kung anong time slot siya mailalagay. Aniya ang importante sa kanya ngayon ay ang mayroon siyang proyekto na kanyang ipinagpapasalamat sa management ng ABS-CBN.

"Kahit saan pa ilagay, kahit sa O Shopping pa or Umagang Kay Ganda or Bandila ang importante ay binigyan pa din ako ng project ng management. Ang importante ay gumagawa ako ng project na ipapalabas na at para makapagbigay ng kuwento sa ating mga kapamilya yun ang importante."

Proud din daw siya para sa kanyang sarili dahil kahit na 15 years na siya sa industriya ay pinagkakatiwalaan pa din daw siya ng mga tao na kanyang nakakasama at mga supporters na hindi napapagod sa pag suporta sa kanya.

"Sa ngayon na sobrang daming artista, masaya ako na kabilang ako sa mya proyekto kaya hindi na ako aarte kung saan man ako ilagay ang importante ay visible na ka sa TV," pagtatapos ni Maja.