• Home
  • Fresh Scoops
  • Jericho Rosales admits he and wife Kim Jones have no plans for Valentines Day

Jericho Rosales admits he and wife Kim Jones have no plans for Valentines Day

Jericho Rosales wants to focus on studying this year.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/10/2017 7:22 AM
Jericho Rosales admits he and wife Kim Jones have no plans for Valentines Day


021017-JerichoRosales-PUSH.jpgSa set visit ng pelikulang Luck At First Sight ay naikuwento sa ilang entertainment press ni Jericho Rosales na wala silang Valentine celebration ng asawang si Kim Jones.

“Si Kim may work. Eh, ang Valentine’s Day naman, pwede mo naman ‘yan i-celebrate everyday, right?

“Pero siyempre, special pa rin sa amin ang Valentine but it shouldn’t stop us naman from doing important things also. Hindi naman every year busy kami, we celebrate, pero pag nag-celebrate din kami sa bahay lang, eh. Hindi naman kami lumalabas, this year may exception lang kasi busy,” simulang pahayag ng magaling na aktor.

Three years nang married sina Echo at Kim pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaroon ng anak. Sinadya ba nila ito?

“Parang hindi pa lang namin priority, parang ganu’n. May time pa naman, eh. Bata pa naman si Kim, eh.

“Kasi ako, like this year, mas malaki ang plano ko. Gusto kong mag-aral muna, at mag-produce. Medyo gusto kong mag-concentrate sa film,” kuwento niya.

Gusto ring mag-aral ng filmmaking ni Jericho ngayong taon.

“Gusto ko nga sana sa New York kung pupuwede. Pero kung hindi naman sa UP na lang para malapit, para hindi na lumayo. Kasi, matagal ko nang plano ‘yun. Pero this year talaga. Parang gusto ko nang tapusin ‘yung procrastination ko, eh,” he said.

Ang magiging problema nga lang ni Echo sa balak niyang pag-aaral at pagpoprodyus ng pelikula ngayong taon ay ang offer ng ABS-CBN as kanya na gumawa ng bagong teleserye.

“Sana payagan nila ako kasi gusto ko talagang mag-concentrate din sa film this year. Saka katatapos lang naman nu’ng Magpahanggang Wakas. Sana pumayag sila na huwag muna akong mag-TV kasi siyempre nandiyan na yung offer, eh,” naguguluhan niyang pahayag.

Samantala, sa Luck At First Sight ay role ng isang professional gambler ang ginagampanan ni Echo.

“Wala akong trabaho, professional sugarol ako. Si Bela (Padilla) yung parang lucky charm ko dito kaya sinasama ko siya sa sugal.”

But in real life, hindi raw siya naniniwala sa suwerte.

“Dilligence ang sa akin, eh, saka hard work, di ba? Para sa akin, terminolohiya lang siya para i-describe mo yung chance, na perfect timing, parang ganu’n. Naniniwala ako na kahit dumating yung tamang oportunidad para sa yo kung hindi mo tatrabahuhin at hindi ka handa, wala rin, balewala rin yon,” pagtatapos ni Jericho.