Erich Gonzales confirms split with Daniel Matsunaga

The actress admits she and Daniel Matsunaga are not on speaking terms.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/9/2017 6:17 PM
Erich Gonzales confirms split with Daniel Matsunaga


020917-ErichGonzales1_PUSH.jpgNew look si Erich Gonzales ng dumating ito para sa contract signing niya sa Kapamilya network. Dito naibahagi ni Erich ang mga dapat pang abangan sa kanyang career.

"Sa ngayon po, may sinabi na (projects) pero siyempre hangga’t hindi pa po siguradong sigurado at hindi pa nasisimulan, kapag sure na po saka po namin ishe-share. Ako, palagi ko naman pong sinasabi na sana something na hindi ko pa nagagawa before, something na magcha-challenge sa akin. Lagi po tayong open sa ganung klaseng proyekto," bungad ni Erich.

Kapansin pansin din ang malaking pagbabago sa look ngayon ni Erich, lalo na ang bagong hair do nito.

"For a change po, fresh start, new beginnings po," pahayag ng aktres sa media.

Hindi rin naiwasang sagutin na ni Erich ang mga katanungan ng press tungkol sa relasyon nila ni Daniel Matsunaga at kung totoo ngang wala na sila. Emosyonal na nilinaw ng dalaga ang balitang ito.

"It’s true po na we are not together anymore. It’s over. To be honest po, ayaw ko po sanang mag-detalye. I just want to move on. Hindi po kami nag-uusap. It’s not true that we are talking. Hindi po kami magkaibigan. Walang third party po," pagsisiwalat ni Erich.

Iginiit ng dalaga na walang third party na naging rason sa kanilang paghihiwalay.

"Like what I said, ayaw ko na sana magdetalye pa. I just want to move on. I want to help myself so that’s what I’m doing now," ani pa ng aktres.

Sabi pa niya sa ngayon ay nasa proseso siya ng pag move on at nais niyang harapin ito ng may positibo at masaya.

"I think I just have to accept na may mga bagay po talagang we cannot control. Life goes on."

Naitanong din kay Erich kung may kinalaman ba sa pera sa kanilang hiwalayan.

"Tungkol sa pera, ayaw ko na po magdetalye tungkol diyan. Like what I said, I just really want to move on," diin ni Erich

Sa kabila nito kumukuha daw ngayon ng lakas ng loob ang dalaga sa kanyang pamilya at mga kaibigan na hindi siya iniwan sa kabila ng kanyang pinagdaraanan.

"Of course, nandiyan po yung pamilya natin, mga kaibigan natin, yung mga supporters po natin. Thankful po ako dahil yung loyalty nila laging nandiyan. Siyempre po yung Diyos, siya naman po ang nakakaalam ng lahat."

Aminado naman ang aktres na umiwas talaga siya sa social media upang makaiwas na din sa mga komento na hindi nakakatulong sa kanyang pinagdaraanan.

"For a time po. I don’t really read any comments na. People will believe what they want to believe. Like what I said, kami lang naman po talaga ang nakakaalam ng totoo."

Kuwento pa ni Erich totoong nagbura siya ng mga larawan nila ni Daniel sa kanyang mga social media account na paraan aniya upang matulungan na rin ang sarili.

"I deleted the photos. I unfollowed them (pamilya ni Daniel). I just want to help myself," paliwanag ni Erich.

Sa ngayon aminado si Erich dahil sa kanyang pinagdaraanan ay hindi pa siya handang tanggapin bilang kaibigan si Daniel Matsunaga.

"Sa nararamdaman ko po ngayon, hindi po. I don’t want to say anything more. I just want to move on, I hope you understand," pagtatapos na pahayag ni Erich.