The Company wishes a speedy recovery for member OJ Mariano

The Company says OJ Mariano suffered a near-fatal medical condition.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

2/8/2017 11:14 AM
The Company wishes a speedy recovery for member OJ Mariano


020817-TheCompany_PUSH.jpgSa special meet the press event para sa kanilang valentine show na Happy Together na magaganap sa February 13 sa PICC Plenary Hall (kasama sina Joey Albert, Chad Borja at New Minstrels), naikuwento ng grupong The Company na hindi muna nila makakasama ang ka-grupong si OJ Mariano dahil nagkasakit ito at kailangan magpahinga.

Ayon kay Moy na leader ng grupo, di biro ang naging karamdaman ni OJ.

"OJ had an episode of sepsis with anemia its like the poisoning of the blood. Yung sakit pala na yun hindi pwede na dalawang araw mo kang ipapahinga."

Dagdag pa ni Sweet na member ng The Company, timing naman at na dito sa Pilipinas ang dati nilang member na si Reuben Laurente na nagbabakasyon.

"He needs to recover so we are giving him quarter of a year para magpahinga pero super blessing nga kasi after so many years nandito si Reuben sa Maynila at humingi kami nh saklolo sa kanya and willing naman siya to help the group so were very, very happy."

Nami-miss na ni Reuben ang mag perform kasama ang The Company kayat di na siya nag isip pa at punayag agad sa alok ng mga dating kasamahan.

"From the cruiseline entertainment industry, bumalik ako ng four months and for the meantime I’ll be doing harmony music with The Company kasi nagpapahinga muna si OJ, we love you OJ! Pagaling ka!" pagtatapos ni Reuben.