• Home
  • Fresh Scoops
  • Sunshine Cruz comments on Diego Loyzaga’s lashing out on Cesar Montano

Sunshine Cruz comments on Diego Loyzaga’s lashing out on Cesar Montano

Sunshine on Diego: ‘As a Tita, siyempre malungkot ako sa mga nangyayari and I was worried about him’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/8/2017 11:42 PM
Sunshine Cruz comments on Diego Loyzaga’s lashing out on Cesar Montano


020817-SunshineCruz_PUSH.jpgSa naganap na Media Launch ng upcoming kapamilya show na Wildflower na pagbibidahan ni Maja Salvador, mainit na inabangan ng entertainment press si Sunshine Cruz na kabilang sa mga bida sa programa.

Ito ay dahil sa mga maanghang na pahayag ni Diego Loyzaga kagabi (February 7) sa social media tungkol sa mga saloobin nito sa kanyang ama na si Cesar Montano at iba pang mga negatibong pahayag tungkol sakanya na ikinagulat ng followers ng batang aktor.

READ: Diego Loyzaga calls out his dad Cesar Montano on social media

Pero ayon mismo kay Sunshine, na ex wife ni Cesar, wala siya sa posisyon para magkumento dito.

"It's really not my business, it's between Diego and his father so ayaw po natin na makisawsaw diyan hangga't maari kasi wala po tayong kinalaman," panimula ng aktres.

Sabi pa ni Sunshine, close din daw si Diego sa kanya at sa mga kapatid nito sa kanya na sumusuporta padin kahit na may pinagdaraanan pa ito.

"I really love Diego, my kids are very proud and they love Diego, I'm just here to support him and nandito kami nagmamahal sa kanya."

Dagdag pa ni Sunshine madalas pa din daw itong nagpupunta sa kanila upang makipag laro ng video games sa mga kapatid nito.

"Ever since naman kasi I'm really very close to Diego and Teresa Loyzaga [Diego's Mother] nagpupunta siya sa bahay nakikipag laro ng video games sa mga kapatid niya at dumaan siya noong New Year sa akin dahil si Teresa was in Australia," ani pa ni Sunshine. “Mahal namin si Diego.”

Aminado naman ang aktres na tumatayong Tita nito na kahit siya nagulat sa mga naging pahayag ni Diego sa kanyang social media account patungkol kay Buboy.

"Off course as a Tita and someone close to him, siyempre malungkot ako sa mga nangyayari and worried about him. In touch naman ako with Teresa and then yung mga kapatid niya they texted him and I also message him," saad pa ni Sunshine.

Patungkol naman sa issue ng pagkakalulong umano ni Diego sa masamang bisyo, sabi pa ni Sunshine na ipinaliwanag na ito ng aktor sa kanyang mga naging post kung kaya’t wala na siyang dapat pang ipaliwanag.

"Nandun naman ata sa kanyang statement ang mga naging sagot doon."

Sinagot din ng aktres ang tuition fee issues ni Diego sa kanyang ama, pero para kay Sunshine court order na ito at obligasyon ito ni Cesar bilang ama sa kanyang mga anak.

"That happened few months ago eh. I think it his obligation as a father and I never denied that he is paying for the tuition fee, it was ordered by the court," sabi pa ng aktres.

No comment naman si Sunshine sa mga tanong kung nararapat ba na I post ito ni Buboy sa kanyang social media account.

"What do you think guys? Ako I really can't answer eh kayo na po siguro ang bahala if it’s right or wrong," pagtatapos na pahayag ni Sunshine.

Ipapalabas na simula Lunes, February 13 ang Wildflower.