Jericho Rosales admires Bela Padilla’s creativity

Jericho Rosales talks about working with Bela Padilla for the first time.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/8/2017 11:18 AM
Jericho Rosales admires Bela Padilla’s creativity


020817-JerichoRosales_PUSH.jpgMasayang nakipagkuwentuhan sa entertainment press ang mga magbibida sa upcoming movie ng Viva films na Luck at First Sight kung saan unang magsasama sina Jericho Rosales at Bela Padilla.

Sa set visit ng naturang pelikula, naibahagi ni Jericho ang kanyang paghanga kay Bela na unang beses niyang makaksama sa isang proyekto.

"Fun and it's great. She's very creative and open… she's great very nice and walang showbiz na vibe sa kanya. Para sa akin, lalo na pag nasa set kami, we always talk about the concept and the story and kung ano yung best para sa story. It's nice also na she's open to exploring new things ng parang walang inhibitions," panimula ni Echo.

Aminado naman si Bela na naging crush niya noon si Echo.

Nanatili naman ang kababaang loob ng aktor kahit na alam niyang hinahangaan siya ng mga aktres na kanyang nakakapareha. Masaya din ang aktor sa mga nakuhang niyang papuri galing kay Bela.

"I'm sensing it, I won't deny it. Minsan mararamdaman mo talaga na star struck sa ‘yo, but yeah I go out of my way to make them feel that na 'hey pareho lang tayo dito,'” saad pa ni Echo.

Sabi pa ni Jericho mas gusto niya na tingin sa kanya ng kanyang mga katrabaho ay isang ordinaryong tao lamang.

"Let's take out status, let’s take out positioning and whatsoever, because in every project everyone is valuable," pagtatapos ni Echo.