Bela Padilla reacts to Kylie Padilla’s pregnancy

Bela Padilla says the Padilla cousins are happy for Kylie Padilla.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/8/2017 11:24 AM
Bela Padilla reacts to Kylie Padilla’s pregnancy


020817-BelaPadilla_PUSH.jpgSa pagdalaw ng ilang entertainment press sa syuting ng Luck At First Sight ay hindi maiwasang tanungin si Bela Padilla kung ano ang reaksyon niya sa status ngayon ng pinsang si Kylie Padilla.

Ayon kay Bela, “Happy ako for her, she seems very happy. Kung mababasa ni Kylie ito, congratulations, I’m very happy for her.”

Hindi ba naman siya nagwo-worry for Kylie lalo pa nga’t hindi pa naman sila kasal ng boyfriend nitong si Aljur Abrenica na father ng kanyang ipinagbubuntis?

“Parang labas ako diyan, eh. Hindi ko alam kung ano ang napag-usapan nila or hindi naman natin alam kung ano ’yung mga plano nila sa buhay na hindi tayo kasama, na silang dalawa. So, I think, they deserve that space,” katwiran niya.

Ibinahagi rin ni Bela na masaya ang kanilang mga kamag-anak sa sitwasyon ngayon ni Kylie.

Patuloy niyang kuwento, “Actually, nakita ko ’yung mga pinsan ko nu’ng Thursday. Lahat kami, same sentiments, eh, we’re very happy for her kasi we know she loves Aljur and si Kylie is very protective. So, nai-imagine ko kung paano niya papalakihin ang anak niya. Na napaka-strong mother, very protective mother. So, I’m happy for her.”

Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring nagiging pahayag ang tatay ni Kylie na si Robin Padilla tungkol sa kanyang pagbubuntis.

“Si Tito Robin naman is a very nice person, very kind, hindi niya titiisin na... alam mo ’yun, mabait siyang tao, level-headed din siyang tao,” reaksyon ni Bela.

Eh, kelan naman ba niya nakikita ang sarili na magkaroon ng anak?

“Wala pa, eh. Gusto kong magka-kapatid pero parang ayaw naman ng mommy ko,” biro pa niya.

“Wala, eh, wala pa ’yung instinct na ’yun. Sabi nila ’di ba, ’pag babae ka, bigla na lang darating ’yun na, ‘ah, gusto ko nang magka-anak.’ Hindi pa ako kinakatok ng instinct na ‘yun,” dagdag pa ng aktres.

Samantala, first time magkatrabaho ni Bela si Jericho Rosales sa Luck at First Sight at ayon sa aktres, gustung-gusto niya ang work ethics ng aktor.

“Gusto ko ng taong perfectionist, naa-amaze ako. Kasi kwento ko ‘to, eh. Gusto ko siyempre ng taong ibibigay ang lahat for this movie. Kaya swerte ako na si Echo talaga, pumayag. Kasi, wala kaming naisip na ibang taong gagawa kungdi siya,” kuwento niya.

Sa March na ang playdate ng Luck at First Sight under Viva Films and N2 Productions sa direksyon ni Dan Villegas.