A look at Dayanara Torres' return to Philippine showbiz

The beauty queen promises to return home soon.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

2/8/2017 11:25 AM
A look at Dayanara Torres' return to Philippine showbiz


020817-DayanaraTorresPHL_PUSH.jpgNaging matagumpay ang pagbabalik Pinas ng 1993 Miss Universe na si Dayanara Torres, simula ng kanyang pagdating noong January 24, agad siyang sinalubong ng local media At kaagad siyang nagpaabot ng mensahe ng pananabik sa muli niyang pagbalik bayan na itinuturing na niyang pangalawang tahanan.

Malakas na palakpakan naman ang ibinigay ng audience sa pagpapakilala kay Dayanara bilang judge sa nakaraang 65th Miss Universe.

Matapos ang pageant, muling napanood si Dayanara sa 22nd anniversary ng ASAP kung saan muli niyang binalikan ang programang mas nagpakinang at nagpasikat ng kanyang pangalan.

Ibinigay niya rin ng todo ang pagsasayaw ng kanyang signature dance moves na nakilala noong dekada nobenta na sikat pa din hanggang ngayon.

Busy rin ang naging lunes ni Dayanara, muli nakipag hatawan siya sa sayawan sa It's showtime at umupo sa hot seat sa "Tonight with Boy Abunda."

Dito inamin ni Dayanara na bukas siya sa oportunidad na muling makatrabaho ang ex boyfriend at leading man na si Aga Muhlach.

Martes, Kasama ni Dayanara ang mga momshies sa "Magandang Buhay," dito muling naka sama ni Dayanara ang ilan sa cast ng “Hataw Na” na hit movie niya kasama sina Gary Valenciano at Jao Mapa.

At nitong Miyerkules, pansamantalang umalis si Dayanara pabalik sa America. Masaya na malungkot ang beauty queen dahil iiwan niya muli ang Pililinas at nag bigay siya ng mensahe ng pasasalamat

Nangako din si Dayanara na muli siyang babalik at sisimulan na ang mga proyekto na kanyang gagawin sa muling pagsisimula ng kanyang showbiz career.

“I am definitely coming back. I feel like 10 years was way too long. I didn’t even realize until I got here that it’s been 10 years. My boys are older, if they can come and travel with me, I can stay longer.”