• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Maja Salvador says Enchong Dee and Rayver Cruz never attempted to court her

EXCLUSIVE: Maja Salvador says Enchong Dee and Rayver Cruz never attempted to court her

Maja Salvador says she still wants a bit of mystery while getting to know a possible suitor.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/7/2017 10:03 AM
EXCLUSIVE: Maja Salvador says Enchong Dee and Rayver Cruz never attempted to court her


020717-MajaSalvador-PUSH.jpgAyon kay Maja Salvador nang makausap siya ng Push.com.ph after the presscon of I’m Drunk, I Love You na pelikula nila ni Paulo Avelino, hindi pa niya na-experience na maligawan ng mga naging best friend niyang lalaki sa showbiz.

“Hindi. Wala. Best friend tapos ano? Wala, eh,” reaksyon ng aktres.

Maging sina Enchong Dee at Rayver Cruz hindi rin daw nag-attempt na ligawan siya.

“Like Enchong (Dee) and Rayver (Cruz), sila yung masasabi ko na best friends ko, pero parang hindi ko makitaan na magiging magdyowa kami o hindi ko malagyan ng malisya. Parang hanggang ganu’n lang talaga,” sey pa niya.

Ngayon ba ano ang hinahanap niya sa isang boyfriend material?

“Something na… gusto ko pa rin kasi may mystery, eh. May thrill na parang… pag sobrang kaibigan na kaibigan mo na kasi, di ba parang pag ligawan kasi nando’n yung parang kikilalanin n’yo pa yung isa’t isa. Nando’n pa yung thrill.

“Pero okey din naman sana yung best friend tapos biglang dyowa, tapos kung ma-in love kayo, eh, di suwerte. Hindi ko ma-explain kasi hindi ko pa naman naranasan,” natatawa niyang paliwanag.

Patuloy pa ni Maja, “May mga boys kasi na mahaba yung pasensya sa girls, yung willing… kunyari punta ng mall, shopping or iintindihin yung… Ang hirap pag ganyan, yung parang pag may best friend kang lalaki parang puwede rin siyang maging…”

Giit namin ulit kay Maja, baka naman nagparamdam sa kanya noon sina Rayver at Enchong kaso dinedma lang niya.

“Parang hindi nila talaga. O baka manhid din lang ako (laughs). Pero parang wala naman. Parang laging pabiro lang pero alam nilang… parang nirerespeto nila yung friendship,” paliwang ni Maja.

Si Gerald Anderson ba hindi muna niya naging best friend bago naging lover?

“Oo. Saka hindi kami close. Parang ang nangyari lang kasi non kaibigan siya ni Rayver tapos hanggang sa nagkaroon ng chance na mag-usap kami, parang ganu’n. Tapos nagsimula lang sa tsikahan nu’ng papunta kami ng Davao para mag-promote ng isang pelikula.

Bumalik na ba yung friendship nila ni Gerald?

“Hindi. Parang… paano naman yon after all? Well, siyempre nasaktan namin ang isa’t isa o nasaktan niya naman ako, so hindi naman yon basta magkaibigan lang o mag-best friend na nag-away tapos… Kung nasaktan ka kasi ng kaibigan mo matatanggap mo, siyempre yung sa amin we had a special relationship nga.

“At least ngayon civil na. Hindi sa hindi kami nagpapansinan, pero civil. Basta okey ako. Wala akong ka-bitter-an sa kanya or wala akong galit sa kanya,” sey pa ni Maja.

Palabas na sa February 15 ang I’m Drunk I Love You.