• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Aces and Queens mentor shares what they learned from 65th Miss Universe

EXCLUSIVE: Aces and Queens mentor shares what they learned from 65th Miss Universe

Aces and Queens mentor compares 65th Miss Universe with previous editions.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

2/7/2017 8:14 AM
EXCLUSIVE: Aces and Queens mentor shares what they learned from 65th Miss Universe


020717-AC-PUSH.jpgUsap-usapan pa rin ng pageant fans ang 65th Miss Universe pageant at naglalabasan na ngayon ang mga opinion at analysis ng experts kung bakit ganito ang naging resulta.

Sa ating exclusive na inteview sa Aces And Queens pageant trainor na si Arnold Mercado, ibinahagi niya ang kanyang nakita at malaking changes sa labanan ng Miss Universe kumpara sa nakaraang edition nito.

"Maraming maganda sa batch na ito at hindi natin nakita ang mga naganap sa preliminary interviews at ayon sa bali-balita na nakuha natin napakalaking weight ng scores sa preliminary interviews."

Dahil malaki ang percentage ng interview portion kung saan nalalaman ang substance ng isang kandidata at hindi lang basta sa kagandahan naka-base ang pagpili, nagkaroon ng maraming sorpresa ng i-announce na ang top 13.

"Gaya ni Miss Venezuela, nagulat ako at marami sa atin ang di ini-expect na di siya makakapasok sa top 13, at may balita rin na hindi siya ganun kagaling sa preliminary interview at nabalitaan rin namin na si Miss France ang top notcher sa preliminary interviews at napakahusay daw ni Miss France sa part na yun."

Bunga ng malaking pagbabago sa Miss Universe pageant, major changes at adjustments din ang gagawin ng kanilang grupo sa pag-training at mentoring ng kanilang mga kandidata.

"Kailangan natin mag-focus doon sa interviews and question and answer kita niyo naman social issues ang tanong doon sa top six kailangan talaga natin maghanap ng gaya ni Pia (Wurtzbach) at Maxine (Medina) na woman of substance," pagtatapos ni Mercado.