• Home
  • Fresh Scoops
  • Aiko Melendez denies there’s a Jean Garcia-Jomari Yllana romance going on

Aiko Melendez denies there’s a Jean Garcia-Jomari Yllana romance going on

Aiko Melendez says Jean Garcia and Jomari Yllana are just close friends.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/7/2017 8:25 AM
Aiko Melendez denies there’s a Jean Garcia-Jomari Yllana romance going on


020717-AikoMelendez-PUSH.jpgIn good shape ngayon ang aktres na si Aiko Melendez nang nakapanayam natin ito sa isang event kung saan naibahagi niya ang kanyang mga upcoming projects. Kabilang na dito ang upcoming kapamilya show na Wildflower.

Proud ang aktres sa kanyang sexy body na balak niyang ituloy-tuloy ang pagpapayat.

"Yes, super proud pero hindi pa din ganun ka-proud kasi gusto ko talaga magka-abs. So this year yun talaga ang goal ko ang magka abs ako," masayang bungad ni Aiko.

Dahil may blooming at sexy aura ng aktres, naitanong din kay Aiko kung possible pa ba ang pagbabalikan sa kanila ng kaniyang ex na si Jomari Yllana.

"Di ko alam. Siguro were better as friends talaga," dagdag pa nito.

Dito hiningi na din natin ang reaksyon ni Aiko tungkol sa napabalitang pagakakamabutihan umano ni Jean Garcia at ni Jomari na agad naman na pinabulaan ng aktres.

"Nako si Ate Jean and Jomari are really very good friends. Si ate Jean, I love her, I adore her. But there's nothing romantic going on with them. But if they decide to plunge into something serious why not ? I'll be happy kasi matinong babae si ate Jean pero talaga ako na nagsasabi sa inyo na wala," paliwanag ni Aiko.

Aniya hindi na din dapat sa kanya pa manggaling ang mga kumpirmasyon tungkol sa love life ni Jomari. Pagbibiro pa ng aktres, kilala umano niya kung sino ang bagong girlfriend ni Jomari.

"Hindi dapat bigyan ng kulay ang friendship nila at ayaw ko sa akin pa manggaling and besides alam ko kung sino girlfriend ni Jom," pagatatapos ni Aiko.