• Home
  • Fresh Scoops
  • Xian Lim on his and Kim Chiu’s official status: ‘I think alam naman ng lahat ang sagot diyan'

Xian Lim on his and Kim Chiu’s official status: ‘I think alam naman ng lahat ang sagot diyan'

Xian says he already spent six Valentine’s Days with Kim.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/6/2017 12:10 AM
Xian Lim on his and Kim Chiu’s official status: ‘I think alam naman ng lahat ang sagot diyan'


020617-XianLim_PUSH.jpgAyon kay Xian Lim, six years na silang palaging magkasama ni Kim Chiu tuwing Valentine’s Day. Sa exclusive na kwento ni Xian sa PUSH, nagsimula raw ito noong 2011 at tuluy-tuloy hanggang ngayong darating na Feb. 14.

Pero bakit nga ba hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maamin ang tungkol sa toong relasyon nila ni Kim? Ano ba ang pumipigil sa kanya?

“At this point, I think alam naman ng lahat ang sagot diyan. But if you ask me, if we’re together na ba, I’m just not a big fan of blurting out your status sa isang conference. I think, maybe that part can be private although it’s really not, di ba?

“Deep inside po alam ko na hindi ko ginagamit itong moment na to para sabihin na… I don’t wanna use the moment para kumuha ng any attention. Hangga’t kaya, hangga’t puwede gusto kong sarilinin na lang muna yung sa amin ni Kim.

“Pero we share naman pictures sa Instagram, lumalabas kami and sa mga free time namin magkasama kami. So I think while people are still waiting, nakikita rin naman nila yung ginagawa namin,” pahayag ni Xian sa Push.com.ph.

Sabi pa ni Xian, darating din daw ang tamang panahon kung kailan sila aamin ni Kim.

“Of course, why not. But it’s just not parang… there’s a time and place lang, di ba?” reaksyon niya.

Bahagi ba ng career plan nila ni Kim ang maghiwalay muna  sa kani-kanilang mga projects na ginagawa? Si Xian ang third wheel sa tandem nina Ian Veneracion at Bea Alonzo sa “A Love To Last.” Si Kim naman ay muling ipinareha kay Gerald Anderson sa “Ikaw Lang Ang Iibigin.”

“Hindi naman po, wala pong… Kahit ako nga po nagulat na nabigyan po ako ng opportunity sa ‘A Love To Last,’” reaksyon ng binata.

Dagdag pa ni Xian,  “Nothing was planned and yon, nabalita na lang sa amin na ito yung mangyayari. And at the same time, may pros and cons sa ganyang pangyayari, yung mga supporters they’re actually shocked.

“But it’s not naman na porket nawala ang KimXi sa television and movie, eh, wala na talaga ang KimXi. I’m sure there still project in the future na makikita kami,” sabi pa ng actor.

Samantala, inamin din sa amin ni Xian na gusto rin niyang gumanap ng kontrabida roles kung mabibigyan ng pagkakataon.

 “Of course,  hindi ako sensitive sa ganu’n, na lagi lang, ‘gusto ko ganito lang ako.’ It’s something na gusto kong ibigay sa audience ko, sa lahat ng manonood na, ‘iba naman ito, ah.’ Pero wala pang dumadating na ganu’n. Hintayin na lang natin,” natatawang pagtatapos ni Xian.