• Home
  • Fresh Scoops
  • Showbiz newbie Kara Mitzki reacts on comparison to Ellen Adarna

Showbiz newbie Kara Mitzki reacts on comparison to Ellen Adarna

The new calendar girl says she’s ready to go sexy but with limitations.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/6/2017 12:01 AM
Showbiz newbie Kara Mitzki reacts on comparison to Ellen Adarna


020617-KaraMitzki_PUSH.jpgAng singer-commercial model na contract star ng Viva Artists Agency (VAA) na si Kara Mitzki ang nadagdag sa listahan ng mga sexy celebrities na naging calendar girl ng sikat na brand ng alak. Kara is featured as official calendar girl ng Tanduay White na nagkaroon ng launching kamakailan lang sa Music Hall (Metrowalk).

Kara joins the likes of Heart Evangelista, KC Concepcion, Jennylyn Mercado at Jessy Mendiola in the brand’s roster of ambassadors.

Ayon sa dalaga, hindi naging madali bago niya makuha ang endorsement project.

“Ang dami kong pinagdaanan para makuha itong  endorsement but I really put my heart to it. This is a major break for someone like me na baguhan lang sa showbiz,” kaswal niyang pahayag.

Handa rin daw siyang magpaseksi at makipagsabayan sa iba pang calendar girls pero meron siyang konting restrictions lalo na sa paggawa ng pelikula.

“Kung ano yung kailangan and as long as artistic siya, creative siya, okay lang. Pero walang frontal kasi siyempre singer yung gusto ko talaga, kasi baka mawalan ako ng gigs,” she said.

Patuloy pa ni Kara, “I trust naman Boss Vic (del Rosario) na kung tingin niya pang-sexy  yung tingin niya sa akin I’m okey for it. Kasi pinasok ko na ito, eh, nag-sign-up ako. Pero wala sanang breast exposure at yon nga, frontal nudity. No, not like that. Sexy pero may cover-cover, ganyan. Two-piece lang siguro.”

May sariling banda si Kara at dati na rin daw siyang nagkaroon ng self-titled album noon sa Polyeast Records. Kaya lang, hindi ito masyadong na-promote.

“Balak ni Boss Vic na i-repackage yung album ko kaya masayang-masaya ako.”

Samantala, hindi makapaniwala si Kara na kahilera na niya ang mga bigating showbiz celebrities like Jessy Mendiola, Ellen  Adarna, Arci Munoz na puro calendar girl beauties din.

“When I saw the line-up ng ibang Tanduay calendar girls sobrang honored ako. Medyo nanliliit nga ako kasi hindi naman ako sikat, bago pa lang ako, pero binigyan nila ako kaagad ng chance,” reaksyon ng dalaga.

Handa na rin si Kara na maikumpara kahit kanino. In fact, kinumpara na raw kaagad siya kay Ellen.

“Medyo meron ngang comparison ngayon with Ellen kasi nag-back-to-back kami, eh. Pero ang sa akin nga, hindi basta yung nudity lang. Sa akin siyempre, dapat classy pa rin and likeable yung image mo sa mga tao at maganda yung reputation,” sey pa niya.

Sa tingin ba niya mas classy ang mga poses niya sa calendar kumpara kay Ellen?

“Of course,” pagmamalaki niya.

Sa tingin ba niya hindi classy si Ellen

“Well, hindi naman sa hindi classy. Siyempre, style niya yon, eh, so I have nothing against it. Magkaiba naman kami ng style ni Ellen,” nakangiti niyang pagtatapos.

020617-KaraMitzki2_PUSH.jpg