Lani Misalucha reveals she recently had some health issues

The singer is excited to perform with Martin Nievera on Valentine’s Day.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/6/2017 12:04 AM
Lani Misalucha reveals she recently had some health issues


020617-LaniMisalucha_PUSH.jpgExcited ngayon si Asia’s Nightingale Lani Misalucha para sa nalalapit niyang concert na pinamagatang “Masquerade,” kung saan makakasama niya ang concert king na si Martin Nievera sa 2-night Valentine's Day show sa Grand Ball room ng Solaire. 

Dito naibahagi ni Lani ang kanyang pananabik na muling mag-perform ngayong Valentine's Day. Ito'y kahit na dumaan siya sa kaunting problema sa kanyang kalusugan.

Masayang masaya si Lani dahil sa naging magandang resulta ng mga pagsusuri sa kanya.

"Okay naman na ako okay na lahat, naging maganda din ang procedures, male na ako ngayon," pagbibiro ni Lani.

 Hindi man buong idinetalye ng singer ang kanyang pinagdaan, masaya siya dahil din wala daw dapat ipagalala dito.

"May mga kailangan lang asikasuhin ‘on a woman thing.’ I am very, very grateful na bumalik sa ‘kin ang mga results ng negative lahat and I am cleared. Wala naman kakaiba," saad pa ng singer.  

Dagdag pa niya hindi siya magdadalawang isip na ikuwento ito kung mayroon man siyang malalang sakit.

"You'll probably know if there's something that really happened," pagatatapos ni Lani.