Jake Cuenca wants to become a director

After co-producing a Cinemalaya film, Jake Cuenca plans on becoming a director next.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/5/2017 8:43 AM
Jake Cuenca wants to become a director


020517-JakeCuenca_PUSH.jpgMasaya si Jake Cuenca sa pagsabak niya bilang co-producer ng Cinemalaya film na Requited kung saan siya rin ang bida. Ayon sa actor, handa na sila sa syuting na magsisimula ngayong February.

“Maganda yung material namin. Maganda yung piyesa namin tapos binigyan naman ako ng ample time para aralin yung role, three months din yon,” masaya niyang simula.

Ayaw aminin sa amin ni Jake kung magkano ang inilabas niyang pera sa pelikula considering na maliit lang ang ibinibigay na seed money ng Cinemalaya for each film.

“Alam n’yo naman na maliit lang yung perang nanggagaling sa Cinemalaya kaya dapat may ibang sources. Tapos medyo ambitious yung project namin kasi kakailanganin naming mag-travel kaya yung gastos, given na yon.

“Pero what’s more important is kung ano ba yung kakalabasan ng pelikula. Siyempre, I want this film to be very special, yung talagang pupuwede kong ipagmalaki,” sambit pa ng actor.

Pagkatapos ng lahat ng commitments ni Jake ay susunod naman daw niyang papasukin ang pagdidirek ng pelikula.

“’Yun ang plano ko, kung papayagan ako after my soap and my movie,” pahayag niya.

Pinaghahandaan na rin daw niya ang tungkol dito.

“Eto ‘yung pinag-iipunan ko ngayon. After ng soap ko and after all these movies, hopefully, pag natapos ‘yung soap, maybe we’ll stop and start studying directing na. Kasi that’s my next step for myself, that’s my plan for myself,” he said.

Matatandaang kumuha ng short acting course si Jake sa Lee Strasberg Theater and Film Institute sa New York noong 2014. Ito raw ay isa rin sa paghahanda niya para maging direktor.

Samantala, kasama si Jake sa upcoming teleserye ng ABS-CBN, ang Ikaw Lang Ang Iibigin na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Gerald Anderson.