• Home
  • Fresh Scoops
  • Dayanara Torres proves that she is still the "Dancing Queen"

Dayanara Torres proves that she is still the "Dancing Queen"

The former Miss Universe was emotional during her ASAP reunion.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/5/2017 3:32 PM
Dayanara Torres proves that she is still the


020517-Dayanara_PUSH.jpgPinanuod at inabangan ang masayang production number ni 1993 Miss Universe na si Dayanara Torres sa muli nitong pagbabalik sa ASAP stage para sa pagdiriwang ng 22nd anniversary ng programa.

Muling binalikan ng tinaguriang Dancing Queen ang kanyang mga sumikat na dance moves mula sa "Rugga Muffin Girl" at "Hataw na" kung saan nakasama niya si Gary V. at Manouevers.

Pinainit din ni Dayanara ang dance floor sa mga bagong dance moves na itinuro naman sa kanya ng G-Force head na si Teacher Georcelle Dapat Sy.

Naging emosyonal naman si Yari (palayaw ni Dayanara)  ng hingan na ito ng mensahe ng ASAP host na si Martin Nievera at Gary V para sa kanyang pagababalik ASAP.

Dito pinasalamatan ni Yari ang programa na minsan niyang naging tahanan sa loob ng ilang taon at nagbukas umano ng mga oportunidad sa kanyang karera bilang artista.

"This is my second home in ASAP, I owe you guys so much, everything we started here and everything here so I will be forever thankful and I will forever love you, Mahal ko kayo lagi-lagi kayong nasa puso at isipan ko, I know ang tagal na I should be here before I know but now finally I'm here sana ito na ang simula," panimula ni Yari, na magaling pa din mag-Tagalog.

Sabi pa ni Yari, laking pasasalamat niya dahil ramdam na ramdam niya na hindi padin nagbabago ang mga kasamahan niya sa kanya at ramdam pa din niya ang mainit na pagsuporta ng bawat isa.

"Thank you so much guys you have never forgotten and since I arrived i know it took a very long time, ten years and even more than that, since I arrived the love and the hugs are exactly the same," saad pa ni Yari.

Bahagi pa ng kanyang pasasalamat ay ang pagbabahagi umano niya sa kanyang dalawa ng anak na masayang masaya siya dito sa Pilipinas na dapat umano nitong makita.

"That's what I'm saying to my kids, you have to see you have to come here this is my second home you have to come," sabi ng beauty queen. 

Hiling din ni Dayanara na sana ay ito na ang muling pag uumpisa niya dito sa Pilipinas at pinangako din niya na muli siyang babalik sa ASAP dahil at home siya dito.

"So I've been so blessed and so loved by all of you and hopefully I really wish I can keep coming back and forth and I can stay with the boys and stay even longer but definitely you will keep seeing me and I will not take this long to this country that loves me so much ASAP I will always be back here Maraming marami salamat po at home ako dito."