Bela Padilla has no problems working with her ex boyfriend

Bela Padilla describes how she works with ex boyfriend Neil Arce

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/5/2017 8:46 AM
Bela Padilla has no problems working with her ex boyfriend


020517-BelaPadilla_PUSH.jpgSa set visit ng upcoming movie ng Viva Films na Luck at First Sight kung saan magbibida sina Jericho Rosales at Bela Padilla, naikuwento ni Bela ang kanyang pananabik para sa kanyang muling pagsabak sa pelikula.

"Honestly hindi ako makapaniwala na ginagawa ko na ‘to kasi napapanuod ko lang siya dati [Jericho Rosales], may mga moments na napapaisip ako na 'Andito na ba talaga ako?' 'Siya na ba talaga yung ka eksena ko?' May mga moments na nakakawindang talaga," panimula ni Bela.

Kuwento pa ng aktres na isa sa mga may akda at creative consultant ng pelikula, kasama niya din ang ex boyfriend na si Neil Arce sa pagbuo ng storya.

Dito kinamusta natin ang aktres kung paano na sila magtrabaho ni Neil ngayong magkahiwalay na sila.

"Okay po kami, hindi kami nag-iiwasan, not at all. Nag-uusap po kami every now and then, kahit sa mga araw na walang shooting at may mga updates kami. Parang pag may maisip ako na ideas for our projects, nagbabatuhan pa din kami ng ideas yun lang pero right now puro work lang muna talaga pinag-uusapan namin," pagbabahagi ni Bela.

Aniya natapos man ang kanilang relasyon nanatili naman ang kanilang pagiging magkaibigan at katrabaho.

"Wala talaga [ilangan]. Thankful nga ako sa kanya kasi napaka-mature at level-headed niyang tao na hindi niya ako binibigyan ng feeling na parang 'ayaw ko magtrabaho' walang ganun. Dumarating ako sa set na relaxed ako and tinanong pa niya ako na kung okay daw ba ako na andito siya sa set kasi nga baka magka-ilangan kami. Sabi ko lang 'Hindi dito ka lang, movie mo to.’”

Dagdag pa ni Bela, deserve daw nila ng ex boyfriend na si Neil ang proyektong ito dahil pinaghirapan nila itong dalawa.

"Feeling ko lang we both deserve to be here. It's our project that we formed together so we should both enjoy this equally, kung nag eenjoy ako dito gusto ko siya din," pagtatapos ni Bela.