• Home
  • Fresh Scoops
  • Martin Nievera looking forward to Dayanara Torres' comeback on ‘ASAP’

Martin Nievera looking forward to Dayanara Torres' comeback on ‘ASAP’

Martin Nievera reveals they’ve been trying to get Dayanara Torres to come to ASAP’s anniversary for years.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/4/2017 8:04 AM
Martin Nievera looking forward to Dayanara Torres' comeback on ‘ASAP’


020317-MartinNievera_PUSH.jpgSa naganap na media presentation ng upcoming Valentine's Day show ni Concert king Martin Nievera at Asia's Nightingale Lani Misalucha na Masquerade, naibahagi ni Martin ang kanyang pananabik sa muli nilang pagkikita nila ng former ASAP co-host na si 1993 Miss Universe Dayanara Torres.

Sa February 5 magsasama muli ang original host ng Sunday noon time show na si Martin at Yari para sa pagdiriwang ng 22nd anniversary ng ASAP.

Kuwento ni Martin, makalipas ang maraming taon masaya siya na muli silang magkikita ng kaibigan at original main host ng programa.

"We've been trying to get her on every anniversary that we have on ASAP and now finally on our 22nd year Dayanara will be there. I'm so excited to see her."

Sabi pa ni Martin, ito lang muling pagkakataon na magkikita sila at masaya siya na sa ASAP pa ito mangyayari.

"We haven't seen each other yet she'll be on ASAP on Sunday as we celebrate 22 years of ASAP February 5. 22 years ago we started ASAP it was Ariel Rivera, Pops Fernandez, Dayanara Torres, and myself the main host back then and now she's here and it's also my birthday so I'm so happy and excited to see her," saad pa ni Martin.

Dagdag pa ni Martin na sa magaganap na reunion na ito ng ASAP ay hindi pinalad na makapag-confirm kaagad ang kanilang mga kasamahan na si Ariel at si Pops.

"Unfortunately, Pops and Ariel I think they going to make it but their schedules won't permit. It would be nice if all four host will be there with us," pagtatapos ni Martin.