• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador and Paulo Avelino say they are much closer now after doing a movie together

Maja Salvador and Paulo Avelino say they are much closer now after doing a movie together

Maja Salvador and Paulo Avelino are happy that people want to see them together in a project again.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/4/2017 10:06 AM
Maja Salvador and Paulo Avelino say they are much closer now after doing a movie together


020317-PauMaj_PUSH.jpg Magkasama sa Valentine's movie na I'm Drunk I Love You sina Maja Salvador at Paulo Avelino. Masaya si Paulo dahil marami ang nagre-request na muli silang pagsamahin ni Maja pagkatapos ng Bridges of Love.

“Nakaktuwa na after ng Bridges of Love marami ang naghihintay na magkasama kami ulit so ito ang offering namin para sa lahat ng naghihintay,” panimula ni Paulo.

Kuwento naman ni Maja, muntik na siyang hindi matuloy sa paggawa ng pelikulang ito dahil nagkaproblema sa script.

“’Ano na po ang balita sa I’m Drunk I Love You?’ ‘Wait lang naka-hold parang may iba.’ Pero sabi ko sa handler ko kung bumalik, gawin pa rin natin.”

Nagkabiruan pa sina Maja at Paulo na mas kilala na nila ang isa’t-isa ngayon dahil maraming out of town location kung saan nag-enjoy silang dalawa.

“In-adjust namin ang script kasi akala ko ako si Vio ay ako si Carson (laughter). Pero ayun binalik ulit ako na ulit si Carson,” pagbibiro ni Paulo.

Masaya naman si Maja na kahit nagkaroon ng problema noong una ay masaya siya na natapos nila ng maayos, maganda. at masaya ang kanilang Valentine's Day offering para sa mga tagahanga.

“Ang importante magkasama tayo at natapos natin,” pagtatapos na pahayag ni Maja.

Mag uumpisang mapanuod sa February 15 ang I'm Drunk, I Love You sa mga sinehan nationwide.