• Home
  • Fresh Scoops
  • Court of Appeals denies Jodi Sta. Maria’s plea to reconsider annulment case

Court of Appeals denies Jodi Sta. Maria’s plea to reconsider annulment case

Jodi Sta. Maria’s marriage to Pampi Lacson won’t be annulled yet

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

2/4/2017 8:37 AM
Court of Appeals denies Jodi Sta. Maria’s plea to reconsider annulment case


020317-JodiStaMaria_PUSH.jpgSa ulat sa TV Patrol, ibinasura diumano ng Court of Appeals ang motion for reconsideration para sa annulment ng kasal nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson.

Ayon sa 8th division ng Court of Appeals, wala raw nakitang dahilan para baligtarin ang desisyon na nagbabasura na mapawalang bisa ang kasal nina Jodi at Pampi. Sa naturang ruling, sinabi rin na ang konstitusyon mismo ang nagpo-protekta sa kasagraduhan ng kasal.

Sa naunang ruling naman, nakasaad na hindi napatunayang psychologically incapacitated sina Jodi at Pampi para magampanan ang kanilang marital obligations. Kinasal ang dalawa noong March 2005 sa Nevada, USA at naulit ito sa Paranaque noong June, 2005.