Australia bids to host 66th Miss Universe pageant

Australia wants to host the Miss Universe pageant next year.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

2/4/2017 8:28 AM
Australia bids to host 66th Miss Universe pageant


020317-Australia.jpg"Perfect" ang naging description ng Miss Universe Organization Head na si Paula Shugart sa maganda at seamless na staging ng 65th Miss Universe dito sa Pilipinas kasama na ang marami pang events na naganap sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Kaya naman na-inspire ang iba pang countries na sumubok mag-bid para sa susunod na Miss Universe pageant na hindi pa nag a announce kung saan magaganap.

Isa ang bansang Australia sa maagang nagpakita ng intention na maging venue ng 66th Edition ng Miss Universe. Ayon ito sa naglabasang reports sa mga newspapers na Herald Sun at sa website na Yahoo Australia.

Interesado ang land down under dahil bago ang pageant director ng Miss Universe Australia na si Troy Barbagallo.

Naganap ang Miss Universe sa kanilang bansa 37 years ago, taong 1979 kung saan ang delegate mula sa Venezuela na si Maritza Sayalero ang kinoronahan bilang Miss Universe.