• Home
  • Fresh Scoops
  • Richard Gomez and Dawn Zulueta share what makes “Hihintayin Kita Sa Langit” memorable

Richard Gomez and Dawn Zulueta share what makes “Hihintayin Kita Sa Langit” memorable

Chard-Dawn thanks their fans for still being active and supportive of their projects.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/28/2017 9:49 AM
Richard Gomez and Dawn Zulueta share what makes “Hihintayin Kita Sa Langit” memorable


022817-CharDawn.jpgDinaluhan ng malalapit na kaibigan at taga-suporta nila Richard Gomez at Dawn Zulueta ang red carpet premier ng “Hihintayin Kita Sa Langit” digitally restored films projects ng ABSCBN film restoration.

Present at looking young pa din ang mga cast at lead character nito after 25 years na sina Dawn Zulueta at Richard Gomez na sinalubong ng mga die hard fans ng kanilang tandem.

Masaya at nagpasalamat naman ang Chard- Dawn sa ABS-CBN para sa muling pagbuhay ng Pinoy classic films.

"I'm very happy that Star Cinema did this project to digitally remaster the film. It's also nice that the younger generation can also watch these kinds of beautiful films," sabi ni Goma.

Saad naman ni Dawn, "I'm very thankful to ABS-CBN film restoration that they chose to restore our film because this is really a classic film and I'm very proud of it."

After 25 years muling inalala nina Richard at Dawn ang kanilang masasayang memories habang ginagawa ang pelikula noon.

"I guess the relationship that I created, alam na ninyo ‘yon, it’s in history and of course the good bonds and friendships in this movie, not just with the cast but also with the director and all we're still like a family," pag-alala ni Dawn.

Para naman kay Goma, ang magagandang memories nilang lahat sa Batanes ang tangi niyang naalala sa pelikulang ito. "Well dito kami naging mag-boyfriend and girlfriend ni Dawn... And memorable kasi Batanes is really a beautiful place up to this day pinag uusapan pa din ang movie dahil sa scenes sa Batanes."

Kuwento pa ni Goma ang pelikulang ito din daw ang naging daan upang magkaroon siya ng unang acting award noon sa Urian Awards.

"It's very important to me, ‘Hihintayin kita Sa Langit’ was shown in 1991. It's my first movie na nagbigay sa akin ng acting award sa Urian Awards."

Samantala, labis-labis naman din ang saya at pasasalamat ni Dawn sa patuloy at mainit pa din na pag suporta sa kanila ng mga fans.

"Very flattered and grateful kaso hindi naman natin ine-expect na sa edad namin na ito ay mayroon pang mga nagkaka-interes sa amin kaya nag papasalamat ako sa ABS-CBN kasi sila talaga ang nagbalik sa tandem ng Richard- Dawn," pagtatapos niyang kuwento.