Binibining Pilipinas undergoes major changes for 2017

Binibining Pilipinas adjusts criteria to adapt to international pageants.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

2/28/2017 8:40 AM
Binibining Pilipinas undergoes major changes for 2017


022817-BBPilipinas_PUSH.jpg

Magaganap ngayong araw, February 27, ang announcement ng official candidates para sa 2017 Binibining Pilipinas pageant.

Kumpara sa nakaraang mga taon, maraming pagbabago ang mapapanood sa latest edition na ito ng prestigious beauty search. Kung dati ay sa ganda at hubog ng katawan napupunta ang fifty percent ng total score ng kandidata, sa question and answer portion na ngayon magkakaroon ng bigat sa total score.

Maraming pageant experts ang nag-react ng positibo sa pagbabagong ito dahil sa major international pageants lalo na sa Miss Universe, ang talino at laman ng kaisipan ng isang kandidata ang nabibigyan ng impotansya.

Ayon sa report ni Mario Dumaual sa TV Patrol, sinusunod ng Bb. Pilipinas ang bagong directions ng Miss Universe Pageant sa pinalabas nilang statement: 

"The Miss Universe Organization empowers women to develop the confidence they need to achieve their personal best. A confident woman has the power to make real change, starting in her local community with the potential to reach a global audience… and continue to define what it means to be Confidently Beautiful."