• Home
  • Fresh Scoops
  • Pastillas Girl finds love once again in ex-boyfriend Enzo Gallegos

Pastillas Girl finds love once again in ex-boyfriend Enzo Gallegos

Enzo Gallegos shares how he relates his and Angelica Jane Yap’s story to “My Ex and Whys” characters Cali and Gio.

BY ANN MANHIT

FRESH SCOOPS

2/28/2017 12:39 AM
Pastillas Girl finds love once again in ex-boyfriend Enzo Gallegos


022717-AngelicaYap_PUSH.jpgMatapos isiwalat nina “Pastillas Girl” Angelica Jane Yap ang masaklap na nangyari sa kanya at kanyang ex-boyfriend na si Enzo Gallegos sa isang viral video dalawang taon na ang nakalipas, si Enzo naman ngayon ang nagpahayag ng panibagong yugto ng kanilang pagmamahalan sa isang Facebook post.

Inihalintulad ni Enzo ang kwento nila ni Angelica sa pelikulang “Ex and Whys” na palabas ngayon sa mga sinehan at pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Sa simula ng kanyang letter, madamdaming inalala ni Enzo and muli nilang pagkikita ni Angelica.

“It's been two years since we've been together. And then I saw you again. You said "Hi!" and then you smiled. And I know in that moment, I need to have another chance with you. And then it all came back. The old us. And now, the new you,” bungad ni Enzo sa kanyang FB post.

Binalikan rin ni Enzo kung paano ulit silang nagkita ni Angelica sa “It’s Showtime” kung saan sila nagkaroon ng pagpapatawad at closure sa kanilang nasirang relasyon. Hindi rin daw inakala ni Enzo na magkakaroon pa siya ng chance na makilala si Angelica muli at makapagbago para maging karapat-dapat sa kanya.

“I never knew na magkakaron ulit ako ng chance to get to know you again. But I'm so happy to have this, another chance with you. I know this time hinding hindi ko na sasayangin itong chance na 'to. I did so many mistakes and wrong choices in my life.

“Alam ko that time I'm still an asshole. But I will be man enough to admit that I cheated on you and It hurts you so bad. This is a working progress [sic].

"Alam ko sa sarili ko 'to na kailangan kong babaguhin ang sarili ko di dahil gusto ng taong mahal ko at di dahil binabago ka ng taong mahal mo kundi ginagawa ko 'to para sa sarili ko at dahil mahal ko yung mga taong nakapaligid sa akin and I love you all so much ayaw ko na kayong masaktan ulit ng dahil sa akin. Sobrang dami kong natutunan at narealize ng dahil sa yo lalo na nung naghiwalay tayo,” pagsisiwalat pa niya.

Sabi pa ni Enzo na mahal niya si Angelica and like in the movie “My Ex and Whys,” giit ng binata, “Hindi ka kapalit-palit. You’re beautiful. Ikaw lang.” Read his entire post below: