Mark Bautista admits he misses working on TV

The singer will be working abroad once again for the restaging of “Here Lies Love.”

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/27/2017 1:44 AM
Mark Bautista admits he misses working on TV


022717-MarkBautista_PUSH.jpgLumipad na pa America si Mark Bautista upang gampanan muli ang kanyang naging role noon sa London bilang Ferdinand Marcos sa restaging ng musicale na “Here Lies Love” sa US.

Sa interview ni Mark bago siya tumungo sa America, dama ang pananabik sa singer sa panibagong stage na ito ng kanyang career.

 "Ang sarap sa feeling kasi hindi ko na talaga expected na magkaroon pa ng another show for this, dahil mahirap nga daw kasi i-mount, magastos at mahal. But I'm so happy na nabuo ulit as a trial ng team for future shows and tours," panimulang kwento ni Mark. 

Dahil ito na ang ikalawang beses ni Mark na magbida sa musical, kuwento pa ng performer maaring may pag kaka taon din daw na dalhin din ang show sa Pilipinas.

 "May mga usapan na dadalhin sa ibang bansa and may chance na dalhin na din dito sa Pilipinas, for this production kasi. Kaya na siyang dalhin kasi mas madali, siyempre as a Pinoy performer sa show gusto ko talaga mapanuod ng mga kababayan natin ang show and talagang ma-eenjoy nila," saad pa ng singer.  

Aktibo man ngayon sa live performances, na ikwento ni Mark may pagkakataon na na-mimiss din niya ang magtrabaho sa telebisyon. 

"Oo naman na-miss ko din. Sana na-miss din nila ako. Of course na-mimiss ko din ang magtrabaho sa TV kahit papano, for the longest time wala akong TV show kaya nag-decide ako na mag-aral sa New York and then perfect timing, ito yung dumating after ng school ko sa New York. Napaisip na lang ako, kasi may reason naman lahat kung bakit," pagtatapos ni Mark.