• Home
  • Fresh Scoops
  • Jericho Rosales shares secret to successfully working with various leading ladies

Jericho Rosales shares secret to successfully working with various leading ladies

Jericho says he works best with fellow creative artists like him.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/27/2017 1:56 AM
Jericho Rosales shares secret to successfully working with various leading ladies


022717-Jericho_PUSH.jpgAyon kay Jericho Rosales, hindi siya nahirapang makatrabaho si Bela Padilla kahit unang beses pa lang nilang magsama sa pelikulang “Luck At First Sight.”

“Yung mga grupo kasi nina Bela, Direk Dan (Villegas) mga kaibigan ko na. Okay kami ni Bela. Alam ko na kasi yung projects months-months before pa, eh, so na-excite ako kasi si Bela very creative. Alam ko nagsusulat din siya and part of the concept ng movie galing sa kanya. So ako, I work best with people like her.

“Enjoy kami, as in nagmi-meet talaga yung isip namin kahit sa mga jokes, mga ganyan. Hindi kami… first day walang problema,” kuwento ni Echo.

Kumusta naman si Bela bilang aktres?

“She’s good. Very ano, very humble, still asking questions. Ano siya,eh, parang for me it’s been a while since I’ve worked with someone who’s very open and curious about things and then when she goes to certain problem sa acting she asks questions. 

“Kasi ano siya, eh, hindi lang siya matanong, makikita mo yung love niya for the craft, yung ganu’n. Actor siya, hindi siya showbiz,” deskripsyon ni Jericho kay Bela.

Eh, paano ba niya nagagawa na palaging klik at maganda ang chemistry niya sa kahit sinong aktres na nakakapareha niya sa pelikula o telebisyon?

“Ako, lagi ko lang hinahanap yung maganda sa isang tao. Kailangan mong hanapin yung isang maganda sa kanya, kumbaga, totoo naman, hindi ka dapat ma-in love sa lahat ng tao, ‘di ba, parang ganu’n.

“But for me, yung enthusiasm ko sa trabaho, saka yung sa story, tapos yung vulnerability, you have to be affected. Na parang if you’re showing love, you have to be sensitive with love, parang ganun.

“That’s what I provide. Pag hinahanap sa akin ng eksena with my co-actors yung certain emotion binibigay ko lang yung totoo. You can’t fake that, yung chemistry. You can’t fake it, eh, kasi kailangan i-accept mo siya, eh,  whole heartedly so that’s what I do, every person I just let them affect me.”

Dapat din daw na maging friends sila off-cam ng magiging leading lady niya.

“Ako, I make an effort na mag-hangout kami. Kain kami, biruan. Whether it’s awkward, you have to receive it and accept it. It’s a process that us actors do na hindi ginagawa ng normal na tao – to bond, kailangang mag-bond kami.

“And then, most of the time nagiging magkakaibigan kami kaya ang dami kong friends sa showbiz.”

Aminado naman ang actor na hindi maiwasang mailing ng mga leading ladies niya kapag nagkakaroon sila ng bonding moments.

“May ilang siyempre. Pag may malisya kasi mahirap magtrabaho, eh, di ba? So you have to put a certain level of respect and understanding don sa working relationship n’yo. Medyo matrabaho ng konti, but it’s normal for us to hang-out and kunyari share a meal o magkape,” paliwanag ng magaling na actor.