Albie Casiño says he has no issue with Jake Ejercito

The actor also says there’s no point with him staying mad at ex-girlfriend Andi Eigenmann.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/27/2017 1:33 AM
Albie Casiño says he has no issue with Jake Ejercito


022717-Albie_PUSH.jpg

Pagkatapos ng mga nangyari at paglantad ng katotohanan na si Jake Ejercito ang tunay na ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie, hindi pa rin nagkakausap sina Albie Casiño at Andi.

Ayon kay Albie nang makausap namin sa presscon ng “Pwera Usog” na pelikula ng Regal Entertainment, wala na raw dahilan para mag-usap sila nang masinsinan.

“Kahit naman anong gawin niya hindi na niya mababalik yung nangyari, eh. So, parang walang point, there’s no point (na mag-usap pa),” pahayag ng aktor.

Nagkita na rin daw sila sa isang bank at naging civil naman daw siya sa ex-girlfriend.

“Being civil is different from being okay. I’m just a civil person.. I have totally moved on from that,” sabi pa niya.

Wala na rin daw siyang sama ng loob sa aktres.

“Matagal na akong walang galit. Kasi anong gagawin ko, magagalit lang ako? Hindi naman siya magiging okey kung galit ako, di ba? Ako lang din yung masisira pag galit na galit ako,” he said.

Samantala, inamin din ng binata na malaki talaga ang negative effect sa career niya nung mapagbintangang siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Andi.   Maingay na ang pangalan sa showbiz noon ni Albie, pero bigla itong nanahimik dahil sa isyu.

“Of course, parang na-derailed siya ng konti, di ba. Nag-hiatus ako for awhile, for a long time. I lost a lot of work, di ba? Maraming naka-line-up sa akin noon, eh, tapos natanggal lahat, naudlot lahat.”

Eh, what if magkita sila ni Jake Ejercito?

“Wala. Deadma!” sabi agad niya. “I don’t have anything to do with him. Anong point, anong sasabihin ko sa kanya, wala naman akong sasabihin sa kanya,” dagdag ni Albie.

Samantala, ipinagmalaki ni Albie na masaya siya sa kanyang non-showbiz girlfriend ngayon.

“I’m very happy right now. Just how I liked it non-showbiz, di ba? Nu’ng nakilala ko nga siya hindi niya alam na artista ako, eh. So yon yung mga gusto ko,” kuwento niya.

Mas gusto rin daw niya na gawing private ang kanyang lovelife para hindi na magkaroon ng isyu.

 “Siguro, natakot din dahil sa nangyari before. Pero parang even before that, hindi rin naman ako yung nagpo-post sa Instagram masyado. Hindi ako nagpapa-follow sa Facebook… alam mo yung ganu’n. Hindi ako magaling sa social media, eh, na tulad ng ibang artista,” pahayag pa ni Albie.