• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Barretto says she and Joshua Garcia are just focused on their careers right now

Julia Barretto says she and Joshua Garcia are just focused on their careers right now

Julia Barretto is just happy that her team-ups with Joshua Garcia and with Ronnie Alonte work.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/26/2017 7:41 AM
Julia Barretto says she and Joshua Garcia are just focused on their careers right now


022617-JuliaBarretto_PUSH.jpgMasaya at inspired ang aura ni Julia Barretto ng nakapanayam ito ng media sa kanyang contract renewal sa kapamilya network.

Hindi pa din makapaniwala ang dalagang aktres sa mga positibong komento na kanyang natatanggap para sa naging episode nila ni Joshua Garcia sa Maalaala Mo Kaya noong nakaraang linggo.

"First of all, suyempre sobrang natuwa ako sa feedback, because I didn't really expect that I will be getting that kind of feedback because Joshua and I really did our best for that episode. And of course as our first appearance as a tandem on TV, siyempre we want people to give a good episode," panimula ng dalaga.

Bukod sa MMK, gabi-gabi din napapanuod si Julia sa teleseryeng A Love to Last kung saan katambal naman niya si Ronnie Alonte.

Dahil nga sa dami ng blessings na tinatanggap ngayon ng dalaga, marami ding fans ang nagtatanong kung sino ba talaga kila Joshua at Ronnie ang mas matimbang ngayon sa puso niya.

"Ang haba lang ng hair… Well I'm just glad that I'm getting an opportunity to show the chemistry I have, with Ronnie and of course I have given an opportunity to show another chemistry with Joshua. I'm glad before wala akong mahanap-hanap but now dalawa pa sila," masayang pahayag ng dalaga.

Giit din ng dalaga na walang mas matimbang ngayon sa puso niya dahil hangad lang muna niya ang mag-focus at pag-igihan pa ang break na ibinibigay sa kanya ngayon ng management.

"With Joshua, makulit lang talaga ang personality niya, but it doesn't mean na nag level up kami. As much as possible right now, at this point of our career, we don't want… I don't want to fall in to pressure of having a real life couple just because yung tandem namin ay na appreciate ng viewers on TV and on screen. As much as possible, parang we want both the perfect time to come. As much as possible, we don't want to loose our focus," paliwanag pa ng dalaga.

Naniniwala din umano si Julia na may perfect timing talaga ang lahat ng bagay para sa love life pero ngayon mas prioridad din muna umano ng dalaga ang pag igihan ang kanyang career.

"I'm very open to anybody but right now I'm just focused because I've been waiting for this time," pagtatapos na kuwento ni Julia.