• Home
  • Fresh Scoops
  • Heart Evangelista reacts to Daniel Matsunaga-Erich Gonzales breakup

Heart Evangelista reacts to Daniel Matsunaga-Erich Gonzales breakup

Heart Evangelista also says she wants to have a baby in time for her 20th showbiz anniversary.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/26/2017 7:40 AM
Heart Evangelista reacts to Daniel Matsunaga-Erich Gonzales breakup


022617-HeartEvangelista_PUSH.jpgSa naganap na Change is Beautiful campaign ng Ponds beauty products, dumalo ang iba't-ibang sikat na endorser ng nasabing produkto.

Kabilang ang actress, businesswoman, at senatorial wife na si Heart Evangelista sa mga celebrity na spotted ng gabing iyon.

Dito masayang naibahagi ni Heart ang kanyang plano sa kanyang 20th year celebration sa showbiz na kanyang planong itaon din para magka-baby.

"Twentieth year.... I think just try to find to have a baby by the time of my 20th year in showbiz so medyo significant siya, I gave myself twenty years for me to start another chapter in my life," panimulang kuwento ni Heart.

Kuwento pa ni Heart, mananatili siyang aktibo sa kanyang career bilang aktres at businesswoman.

"Definitely, I'll still be acting but maybe not as much and maybe to slow down. But with my painting, I'm all out and my business and all that. It depends on the acting part."

Parte din ng kanyang 20 years sa industriya ang makulay na love life niya sa showbiz, kabilang dito ang Brazilian-Japanese model at kontrobersyal ngayon na si Daniel Matsunaga. Sa panayam na ito, sinubukan din natin hingan ng reaction at comment si Heart tungkol sa kontroberyal din na breakup ni Daniel kay Erich Gonzales.

"Ayaw ko, I can't.... I'm really a vocal person and very opinionated but for that. I don't want to say anything," pagpipigil na pahayag ni Heart.

"I don't want to say anything at all basta I liked them both," saad pa nito.

Dahil kilala nga ngayon ang aktres bilang painter ng mga designer na handbag, willing din daw siya kung sakaling magpa-paint si Erich ng nag nito sa kanya.

"I'm open to anybody to paint their bag, I'm open so let's spread art and love." pagtatapos na kuwento ni Heart.