• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Xian Lim willing to do sexy roles with Arci Munoz

EXCLUSIVE: Xian Lim willing to do sexy roles with Arci Munoz

Xian Lim admits he’s not used to being praised for his acting.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/26/2017 7:43 AM
EXCLUSIVE: Xian Lim willing to do sexy roles with Arci Munoz


022617-XianLim_PUSH.jpgHumakot na ng dalawang acting award si Xian Lim para sa pelikulang Everything About Her. Nanalo siya ng Best Supporting Actor sa GEMS at kamakailan lang ay sa 15th Gawad Tanglaw.

Kung noon ay sinasabi ng marami niyang kritiko na isa siyang ham actor at hindi marunong umarte, ngayon naman ay nare-recognize na ang husay bilang actor.

“Sabi ko nga, ‘ano bang nangyayari, totoo ba ito?’ Hanggang sa sinabi na ni mommy, ‘nanalo ka daw.’ ‘Talaga, baka sila-sila lang ang nagsasabi na ako lang ang nanalo?’ Tapos yon nga, nu’ng binanggit na sa akin ng Star Magic, ‘Ah talaga, ang galing naman.’

“Tapos nu’ng nabasa ko nga yung sa Gawad Tanglaw, napatawag nga ako kay Direk Joyce (Bernal). Pinuntahan ko rin siya sa taping niya para makausap at para personal na magpasalamat,” kuwento ni Xian sa Push.com.ph.

Patuloy pa ng actor, “I’m overwhelmed. Hindi ko in-expect na nung ginagawa namin yung pelikula, sobra akong kabado, ang dami kong iniisip pero ngayon ano (napansin pa).”

Kahit recognized actor na si Xian, hindi pa rin daw siya sanay na pinupuri.

“Hindi naman ako sanay mapuri ng ano, eh. Hindi naman tayo sanay mapuri… mas sanay ako na bina-bash noon,” pabiro niyang reaksyon.

May isang seksing aktres na gustong makatrabaho si Xian in the future.

“Si Arci Munoz,” pabulong niyang pahayag.

Pero pa-sexy ang image ni Arci at ang mga ginagawa niyang pelikula, kaya ba niya yung ganu’n, like magpakita ng puwet?

“Okey lang naman. Topless, underwear, pero wag naman muna siguro yung puwet,” sabay tawa niya nang malakas.

“Yung topless, underwear scene, kung kailangan naman talaga sa story at kung hindi naman siya para lang sa kalaswaan, kung may sense naman kung bakit ginagawa, okey lang,” dagdag niya.

Sa palagay ba niya kaya na niyang mag-solo?

“Kung mabibigyan po ako ng pagkakataon. Yung lang naman ang hinihingi ko palagi sa kanila, eh. Chance lang talaga, mahirap po talagang manghingi ng chance, eh. Kaya kung bibigyan po nila ako, pagbubutihin ko naman,” sambit pa ni Xian na napapanood ngayon sa A Love To Last kasama sina Bea Alonzo at Ian Veneracion.