• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Devon Seron believes Erich Gonzales and Daniel Matsunaga will get back together

EXCLUSIVE: Devon Seron believes Erich Gonzales and Daniel Matsunaga will get back together

Devon Seron also talks about Karen Reyes leaving Girltrends.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/25/2017 9:05 AM
EXCLUSIVE: Devon Seron believes Erich Gonzales and Daniel Matsunaga will get back together


022517-DevonSeron_PUSH.jpgHappy set ang description ni Devon Seron sa set ng teleseryeng Be My Lady nu’ng nagte-taping pa sila kaya laking gulat niya nang mabalitaang naghiwalay na ang mga bida ng show na sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga.

Ayon sa bida ng pelikulang Pwera Usog nang makausap namin siya sa presscon, nakita raw niya kung paano magmahalan sina Erich at Daniel kaya nagtaka rin siya na nauwi sa hiwalayan ang lahat.

“Kasi ako, na-witness ko po talaga yung pagmamahalan niila sa isa’t isa, yung sweetness nila. So nu’ng nalaman ko po yung nangyari, malakas naman po ang pakiramdam ko na parang yung nangyari sa kanila, parang challenge lang yon sa relationship nila para maging stronger sila,” simulang pahayag ni Devon sa Push.com.

Patuloy pa niya, “Alam ko naman po na kung mahal nila ang isa’t isa talagang mareresolba po nila yung isyu. At saka normal naman po sa relasyon yang ganyan, di ba?”

Malakas din daw ang pakiramdam niya na magkakabalikan sina Erich at Daniel.

“Opo. Para sa akin po ha, kasi ako, nakasama ko sa Be My Lady. For sure, mareresolba naman po nila yung issues nila sa isa’t isa,” sey pa niya.

Isyu naman sa Girltrends at sa pag-alis ng kasamahan niya sa grupo na si Karen Reyes ang tinanong namin kay Devon. Aware ba siya na dahil mahirap pakisamahan ang ibang Girltrends members kaya umalis sa grupo si Karen?

“Hindi ko alam ang isyung yon,” pagtanggi agad niya. “Kasi po, to be honest talaga kasi hindi ako nagtwi-Twitter, nag-i-Instagram. Pag nagga-ganu’n po ako diretsong post lang para mag-promote kasi binibigay ko po yung time ko sa work at sa family ko.

“Hindi ko po talaga alam yung isyu na yan, so kung meron man po ngayon, siguro, my personal opinion o may personal experience talaga yung tao (na umalis), pero sa akin po wala namang problema.”

Umalis na rin daw siya sa Girltrends at ang dahilan daw ng pag-alis niya ay dahil sa ibang trabaho.

“Dahil po sa work ko dito sa Pwera Usog kaya umalis ako sa grupo at dahil din po sa ginagawa ko na iba pa,” katwiran niya.

Na-observe ba niya na hindi nagtutulungan ang members ng Girltrends at may mga attitude problems towards each other?

“Kami naman po iba-iba kaming group, eh. Hinahati-hati po talaga kami. Sa akin naman po walang problemang ganu’n. Actually, may teamwork naman po kami and masaya kaming magkakasama, nagla-lunch kami together. Kasi iba-iba rin naman po ang personalities ng mga tao. Basta ako po, wala naman pong problema sa akin,” pagtatapat ni Devon.

Kasama ni Devon sa Pwera Usog na showing on March 8 sina Joseph Marco, Kiko Estrada, Sofia Andres at Albie Casino. Ang pelikula ay idinirek ni Jason Paul Laxamana.