• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo reacts to possible Sarah Geronimo and Daniel Padilla project

Kathryn Bernardo reacts to possible Sarah Geronimo and Daniel Padilla project

Kathryn Bernardo says she would also like to work with Sarah Geronimo.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/24/2017 8:05 AM
Kathryn Bernardo reacts to possible Sarah Geronimo and Daniel Padilla project


022417-KatrineSarah_PUSH.jpgPresent ang ilan sa sikat na bituin ng kapamilya network sa bagong campaign ng Ponds Beauty product na Change is Beautiful. Kabilang dito sina Toni Gonzaga, Sofia Andres, Nadine Lustre at Kathryn Bernardo sa mga bagong mukha ng nasabing beauty product.

Dito nakapanyam ng Push.com.ph si Kathryn tungkol sa naging request ng kanyang rumored boyfriend at on screen partner na si Daniel Padilla tungkol sa kagustuhan nitong makatambal in the future ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo para sa isang proyekto.

"Oo nga daw e. Well ako din gusto ko maka work si Ate Sarah [Sarah Geronimo] kasi sobrang fan ako and kung magkaroon sila ng project in the future with or without me, support pa din natin kasi gusto niya yun and para magbigay din tayo ng ibang opportunity and I'm sure mag click yun if ever matuloy," pahayag ni Kathryn.

Pero bago pa man maisakatuparan ang Daniel-Sarah project, nakatakda na din mag-umpisa anytime soon ang shooting para sa pagbabalik telebisyon ni Kathryn at ni Daniel na Luna Sangre.

Kuwento ng dalaga, nag-uumpisa na sila sa kanilang training bilang paghahanda sa nasabing proyekto.

"Puro training palang kung makikita niyo sa mga post nila, kasi kailangan namin maging ready physically. Bago siya sa akin so kailangan ko aralin and nakaka-excite kasi habang nag-train ka, na-imagine mo na and i-explain sa ‘yo kung para saan yung ginagawa mo and kailangan talaga abangan," sabi pa ni Kathryn.

Bukod dito, willing din umano ang dalaga na maitambal sa ibang leading men.

"Siguro si Mr. John Lloyd Cruz, Papa P [Piolo Pascual] also and I'm very open kung sino ang kapareha basta alam ko na i-guide niya ako at marami pa akong matututunan sa tao na iyon. Yes open ako doon," pagkatapos na pahayag ni Kathryn.