• Home
  • Fresh Scoops
  • Nadine Lustre talks about celebrating her first anniversary with James Reid in Japan

Nadine Lustre talks about celebrating her first anniversary with James Reid in Japan

Nadine Lustre says she and James Reid are both growing in their relationship.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/23/2017 9:06 AM
Nadine Lustre talks about celebrating her first anniversary with James Reid in Japan


022317-NadineLustre_PUSH.jpgBlooming at fresh ang aura ni Nadine Lustre nang nakipag-kuwentuhan ito sa media sa naganap na campaign ng Ponds beauty product na Change Is Beautiful.

Ito ang unang public appearance ni Nadine simula ng bumalik nito ng bansa mula sa bakasyon nila ng boyfriend na James Reid sa Japan kung saan sila nagdiwang ng kanilang first anniversary.

Naibahagi ni Nadine ang kanilang naging celebration ni James sa Japan.

"Japan is amazing—super saya, super lamig nga lang po talaga," panimula ni Nadine.

Nag-enjoy din si James at Nadine sa mga Japanese food na naging pang-bonding din nila.

"Bonding, I guess mas more on food. Masaya, sobrang saya. Actually umalis kami ng February 11 ng gabi so ang anniversary namin ay sa airport."

Pagbabahagi pa ni Nadine, hindi na din daw naging importante ang anniversary gift dahil ang experience nila sa Japan ay malaking regalo na daw nila para sa isa't isa.

"Wala ng gift. I guess the Japan trip is the gift na mismo. It’s a different experience—it’s us, it’s different e," saad pa ni Nadine.

Ikinatuwa pa ni Nadine ang mga greetings na nakuha nila mula sa kanilang malalapit na kaibigan. Aniya, mas ikinasiya ni Nadine ngayon ay ang sabay nilang pag-grow ni James bilang lovers.

"Ang bilis nga e, sabi ko nga sa mga friends ko ‘February 11 na?’ Tapos binabati din ako ng mga friends ko sabi nila 'uy tomorrow na.’ Sabi ko, ‘Anong tomorrow na?’ Super bilis and I'm very happy kasi we've suddenly grown, parehas kami individually and together we grown so much," pagtatapos ni Nadine.