• Home
  • Fresh Scoops
  • Albie Casino says he’d rather not work with Andi Eigenmann

Albie Casino says he’d rather not work with Andi Eigenmann

Albie Casino admits he would find it weird working with Andi Eigenmann.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/23/2017 8:44 AM
Albie Casino says he’d rather not work with Andi Eigenmann


022317-AlbieCasino_PUSH.jpgMalakas na ang loob ni Albie Casino na harapin ang entertainment press na nag-interbyu sa kanya sa presscon ng pelikulang Pwera Usog kung saan isa siya sa mga bida kumpara noong mga panahon na kainitan pa ng isyu sa kanila ni Andi Eigenmann.

“Ngayong wala nang controversy na pinag-uusapan, di na ako takot humarap sa press, wala nang stress. Super saya ko do’n,” nakangiti niyang simula sa Push.com.ph.

Sa tingin ba niya ay nakatulong ang isyu noon para mas makilala siya sa showbiz?

“I’d rather not, di ba? Kung pinapili mo sa akin, mas okey sa akin na hindi nangyari yon. Oo, sana hindi na lang siya nangyari,” sagot ng aktor.

Eh, kaya lang, baka hindi naman siyang naging Albie Casino kung di nagkaroon ng isyu?

“Okey lang. At least hindi nadamay yung pangalan ng pamilya ko. Hindi na-bash yung magulang ko, di ba? Yon yung hindi naiintindihan ng mga tao, eh. Hindi lang naman ako yung nasiraan don, eh,” paliwanag niya.

Inamin din ni Albie na muntik na talaga siyang mag-quit sa showbiz noon dahil sa pinagdaanang intriga.

“Yeah, totoo yon,” pagkumpirma niya. “Nagkaroon ng time na naisip ko na ayoko ng mag-artista. Na hindi ito para sa akin, ganu’n. Actually, up to recently, pinag-iisipan pa rin na mag-aaral na lang ako abroad.

“Medyo naumay kasi ako sa mga controversy, sa mga nangyari pero ngayon na parang nanalo na ako ng award (Gawad Tanglaw Best Actor para sa Maalaala Mo Kaya), pinag-iisipan ko na ulit kung ititigil na ito or hindi. Parang more of validation siya na hindi ko sinasayang ang oras ko dito, parang ganu’n.”

Para din daw sa future niya ang planong pagku-quit sa showbiz.

“Yeah, it’s for my future also, eh. Hindi pa ako graduate ng college. Di naman forever itong showbiz. Hindi naman lahat ng tao nagiging Piolo Pascual na magiging career mo talaga yung showbiz. Everyday may bagong artista, so hindi mo talaga alam. Tumatanda na ako, parang pakonti nang pakonti yung opportunities, so I just have to be practical,” katwiran niya.

Hanggang ngayon din daw ay hindi pa talaga niya nakikita ang sarili na pang-showbiz.

“Kasi yung personality ko talaga hindi siya pang-showbiz, eh. Parang very private person, hindi ako masyadong magaling magsalita sa harapan ng maraming tao.

”So parang yung naiisip ko, hindi talaga para sa akin ang showbiz, pero mahal ko yung ginagawa ko, di ba? Gusto ko yung umaarte ako, so if ever I will stop and go to school, it will still be something connected to this – parang screenwriting, cinematography.

Okey na ba sa kanyang makatrabaho si Andi?

“Work is work, di ba? I need to put food on the table and stuff but if they ask, I’d rather not. I mean, parang ayokong maging weird sa set, eh. I’m not saying that it’s weird but I’m not going to pretend that there’s no history or whatever,” pagtatapos ni Albie

Showing ang Pwera Usog sa March 8 at kasama ni Albie sa pelikula sina Devon Seron, Joseph Marco, Sofia Andres, Eula Valdez at marami ang iba. The film is written and directed by Jason Paul Laxamana.