• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga says now that she's a parent, her filming schedule includes breaks to take care of her son Seve.

Toni Gonzaga reveals she has an upcoming reunion movie with Piolo Pascual

Toni Gonzaga says now that she's a parent, her filming schedule includes breaks to take care of her son Seve.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

02/23/2017 01:25 AM
Toni Gonzaga reveals she has an upcoming reunion movie with Piolo Pascual

022217-ToniGonzaga_PUSH.jpgIsa si Toni Gonzaga sa inilunsad na ambassadors ng Ponds Beauty kasama sina Kathryn Bernardo, Nadine Lustre, Iza Calzado, Sofia Andres at Heart Evangelista. Dito naikuwento ni Toni na magbabalik pelikula na siya matapos magsilang sa panganay nila ng asawang si direk Paul Soriano.

"Wala siya sa plano basta nabuo na lang siya and nakakatuwa si Piolo ang makakasama ko dito and si Direk Joyce Bernal ang gagawa nito," unang kwento ni Toni.

Dahil sumira ng box-office records ang "Starting Over Again" na pinagtambalan nila ni Piolo, pressured nga ba si Toni sa kanilang reunion film?


"Ibang iba ito. Mahirap i-explain basta malayo ito sa last na ginawa namin," pahayag ng aktres.

Dahil isa nang mommy at nagbe-breastfeed sa kanyang baby, may mga request si Toni sa schedule ng kanilang shooting at naintindihan naman ito ng production.

Wala pang title ang pelikula at magkakaroon pa lang ito ng story conference ngayong Huwebes.